Get me outta here!

HEAVYARMED

Sa Lugar na Laganap ang kriminalidad;
Sa Lungsod na balot ng takot;
Kung Kailan Akala mo'y wala nang Pag-asa
Darating ang mga Bagong Bayani... Bayani??

Ipinakikilala...
ang bagong mga bayani ng Maynila...


HEAVY ARMED
Task Force T.A.E.
1. Jacob Nicolas AKA Jhecks
  • lider ng grupo
  • drop-out ng PMA
  • pasaway!

2. Rogelio Aguilar AKA LiongPusa

  • computer genius
  • graduate ng AMA
  • muntik nang makuha ni Bill Gates

3. Mark Reguyal AKA MaHulk

  • physical offense
  • frustated boxer
  • pangarap talunin si Pacquiao

4. Kevin Idañol AKA KEKnight

  • bomb & firearms expert
  • gangster nung H.S.
  • former member ng M-5

5. Edward Cunanan AKA Ian

  • communications specialist
  • sinibak ng Smart, lumipat sa Globe
  • mahirap ma-contact, laging walang signal

6. Gary Gail Marquina AKA G2

  • spy
  • dating sidekick ni Bitoy
  • maraming mukha, lahat makapal

8. Alfie Restoles AKA Lafe

  • driver at pilot
  • dragracing champion na walang tsikot
  • nangarnap ng chopper

9. Marlou Majait AKA Balon

  • assassin
  • ikinalugi ng Time-Crisis
  • pasmado

Sila ay nagsama-sama upang puksain ang......

Ang lahat dapat puksain

Sila ang mga Bida sa...
HEAVY ARMED

Task Force T.A.E. Tactical Armed Espionage

Soon on your Favorite Pirated CD Dealer...


pAngAsAr nAkAkAmiss

pAngAsAr nAkAkAmiss

May mga bagay akala nati'y
Sa atin habang buhay
Ngunit tayo'y nabibigo
Pagkat ito'y nawawalay
May mga bagay nais nati'y
Sa ati'y di lumisan
At sa bawat nitong pagwalay
Puso'y nasasaktan
May mga bagay na ang tangan
Sa atin ay kasiyahan
Ngunit pang-asar na kapalaran
Iyon pa ang di iniwan
May mga bagay na hinahanap
Mayroong di makalimutan
Ngunit napipilitan
Ayaw mang magpaalam
May mga bagay na ating ibig
Ngunit wala sa ating piling
Mayroon namang nasa paligid
Ngunit mahirap mahalin
May mga bagay tayong mahal
Mayroon tayong mga pangarap
May mga taong mahal natin
Ngunit nawawala sa isang iglap
Kung makakasama lamang kita
Sa bawat kong umaga
Di sana'y di na ginawa
Walang silbi kong tula