The Last Seven Days, Part 3: Belief
The Last Seven Days, Part 2: Confusion
The Last Seven Days, Part 1: Friends
It was 4 days ago, nang nakipag-break si Joey.
A day after that, pumunta si Seph sa bahay niya asking for explanations.
For a couple of hours, they were quiet, hindi nag-aaway, hindi nagsisigawan, hindi nagsusumbatan. Joey explained, and he heard the things he never imagined he would hear from her.
3 days ago, Seph didn’t showed up for work. Inubos niya ang buong araw na naglalasing.
2 days ago, same.
Yesterday, ganun pa rin.
Early this morning, nakatanggap siya ng text mula sa isang College friend nila ni Joey.
To think na 3 years na silang hindi nagkita-kita na magbabarkada, he never expected na kokontakin siya ni Treena. Natawa na lang si Seph, gusto nyang sabihin na 3 days na siyang umiinom.
Treena: Finally! Akala ko i-indyanin mo na kami.
Seph: Sorry, mahirap mag-park eh. Kamusta na? Long time no see...
Lex: Heto, climbing the corporate ladder.. but, we're not here to talk about us, we're here to talk about you. What happened man?
Seph: Joey... She quit on me pare...
Treena: Just like that? 5 years, and just like that?
Faye: Ano daw reason?
Seph: Sabi niya, she doesn't know me anymore.. that she wants to find herself..
Lex: That cliche again?
Faye: Ano ba, as much as its cliche, that's real...
Lex: What? Ano kailangan mong hanapin, if you're happy with the person..
Faye: Well, kung ganun ang decision niya, wala na tayo magagawa, just give her time and space.
Seph: But I love her!
Treena: Yes, we know, and I believe she knows that as well, pero, sometimes, love isn't enough.
Lex: Bullshit, kanta yan eh...
Treena: Shut up! Alam mo, Seph...
Faye: Teka, dude, baka naman wala ka nang time sa kanya?
Seph: I always have time for her. Yes, busy minsan, pero pagdating sa kanya... sa tingin ko hindi naman ako nagkulang...
Lex: Baka naman may third-party involved?
Seph: Wala siyang sinabi, pero may kutob na ko noon pa...
Lex: Fuck!
Seph: She has this officemate na panay ang buntot sa kanya...
Lex: Yun na yun dude, lumandi ang gaga.
Treena: Watch your mouth Alex, friend din natin si Joey, wag mo siyang husgahan..
Faye: Well, kung ganyan na, sa tingin ko, wala na tayong magagawa, kilala nyo naman si Joey, when she makes up her mind di ba, hindi mo na mababago yun... Just, accept it, and move on...
Lex: There are many fish in the sea, pare! All of them, wet!
Treena: Well, seriously... Seph, that's life. Alam ko, first girlfriend mo si Joey, and, bilib na bilib ako sa tagal n'yo, ako wala pa kong relationship na umabot ng ganyan katagal, witness ako sa kung gaano kayo kasaya, nakita ko kung paano mo siya inalagaan, and I think you've been happy for, what, 5 years? Ni hindi ko kayo nakitang nag-away. Sa tingin ko naman it was all worth it.
Faye: Right... you know, that's life. Nothing lasts forever.
Lex: Right, so, how about a toast for Joey and Seph, and the 5 happy years between them...
Hours later, Seph was driving home, half-drunk.
Seph: Joey... Joey...
This Is Not About Assassin's Creed: Brotherhood
Grow Old With You, My Version
Immature, Stupid, and Careless...
Naaalala ko pa noon, third year high school tayo, akala nating dalawa yun na ang pinakamasayang sandali ng buhay natin. Sa tuwing hawak ko ang iyong kamay, nararamdaman ko ang higpit nito, nadarama ko ang init ng yong palad, na para bang nagsasabing hindi kita bibitiwan.. sa tuwing tinititigan kita sa mata, nakikita ko ang iyong pag-ibig, ang iyong tunay na pag-ibig na nagbibigay ng buhay sa napapagal kong puso. Sa bawat mong hininga, sa bawat pintig ng yong dibdib, tila ba isang laksang ibon na umaawit ng mahal na mahal kita at hindi kita iiwan. Nang mga panahong iyon, pakiramdam ko'y ako na ang pinaka-masuwerteng babae sa buong mundo.
Pero napakabata ko pa nang sandaling iyon, napakaliit ko pang tao kung ikukupampara sa dambuhalang daigdig na ginagalawan ko. Para akong sumasayaw sa saliw ng tugtugin na noon ko lang narinig sa tanang buhay ko. Mabilis ang takbo ng musika, singbilis ng rumaragasang ilog, at sa hindi sinasadyang pagkakataon, natangay ako ng aking kapusukan, natangay ako ng aking kabataan.
Nagloko ako. Naglaro, akala ko'y pupuwede, akala ko'y makakatagal ako, pero hindi pala. May mga nanuyo sa akin, mga nanligaw, at sa di inaasahang pagkakataon, sa kapangahasan ng pagiging bata, ng pagiging dalaga, nagpaunlak ako sa isa. Hindi mo lang alam noon, pero habang nakatalikod ka, ibang lalake ang kasama ko, na para bang hindi pa ako kuntento sa iyo. Ayaw kitang saktan, ayaw kitang lokohin, gusto ko lang namang sumubok, mag-eksperimento, gusto ko lang namang pag-aralang sumakay sa laro na kung tawagin ng iba'y pag-ibig. Kaya lang natalo ako.
Ika nga, walang lihim na hindi nabubunyag, kaya nakarating din sa'yo ang kagagahan ko. Lumapit ka sa akin, umiiyak, nagtatanong kung saan ka nagkamali, kung saan ka nagkulang, at kung bakit kinailangan ko pang humanap ng iba. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ikaw, na halos isang perpektong lalaki, wala kang naging pagkukulang. Kung tutuusi'y labis labis pa nga ang pagmamahal mo, labis labis ang mga ibinigay mo, labis labis ang pinadama mong pag-ibig. Sinabi ko sa'yo na ako ang nagkulang, na ako ang nagkamali. Nagi-guilty ako sa sarili ko, hindi ako karapat-dapat sa pag-ibig mo. Hindi ako karapat-dapat sa mga luha mo. Nung araw ding iyon, nakipaghiwalay ako sa'yo. Ayaw na kitang lokohin, ayaw na kitang saktan pa. Kaya iyon na lang ang pinakamainam na solusyong naisip ko.
Akala ko ayos na ang lahat, pero hindi pa rin. Hindi rin kami nagtagal. Isa kong talunan, nawala ka na, nawala pa siya. Pero nung panahon na gumuho ang mundo ko, bumalik ka, bukas ang kamay, at handang mag-alay ng ikalawang pagkakataon. Gustong-gusto mong gawin 'yon. Sa tuwing malungkot ako, pinapasaya mo ako. Sa tuwing bagsak ako, inaangat mo ako. Muli mong ipinaramdam sa akin ang iyong pag-mamahal, pag-mamahal na minsan kong binalewala. Ang saya-saya ko no'n, dahil napatawad mo 'ko.
Pero napakahina ko talaga. Minsan na akong tinangay ng agos, tapos dumating ka't inahon ako. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ako muling bumitaw. Siguro nga tanga ako, nagpatangay ako sa agos, at naligaw ako ng landas, hanggang umabot sa puntong ako mismo di ko lam kung may pag-asa pa ba kong makaligtas. Napasubo ako sa masamang barkada, pati pag-aaral ko napabayaan ko na, pati pamilya ko, muntikan na akong itakwil. Fourth year high school tayo no'n, nanganganib kung makakatapos ako ng pag-aaral, pero wala akong pakialam ng mga panahong iyon. Nabulag ako ng aking kabataan, ng aking kapangahasan. Nabulag na halos hindi na kita makita. Ang hindi ko alam, lagi ka palang nasa tabi ko. Kahit nung mga panahong makailang ulit tayong naghiwalay, at makailang ulit din tayong nagbalikan. Palagi kang nandun, iniintindi ako, inuunawa, pilit mong tinatama ang mga mali ko, pilit mo kong tinutuwid, pilit mo kong inaahon, pilit mong inaabot ang kamay ko. Pero, katangahan ko, kagagahan ko, makailang ulit din kitang binalewala.
Graduation no'n, kung hindi pa kinausap ni daddy ang eskwelahan, hindi pa ako makaka-akyat ng entablado. Habang ang iba nating kamag-aral ay nagsasaya, nasa isang sulok tayong dalawa, umiiyak. Nung araw na 'yon, tuluyan kong sinuko ang lahat, hindi na kinaya ng kunsensya ko, hindi ko kayang tingnan ka na patuloy na nakaalalay sa akin. Habang ako, patuloy sa mga kalokohan ko. Mabait ka, matalino, guwapo, may malaking bukas na naghihintay sa'yo, samantalang sa akin, impyerno. Ayaw na kitang idamay pa sa lahat ng kagagahan ko. Nakakaasar ka nga eh, dahil palagi kang nan'dyan sa tuwing kailangan kita. Hindi ko tuloy malaman kung anong nagustuhan mo sa akin. Masakit mang tanggapin pero mukhang hindi ko talaga kayang tumbasan ang pagmamahal mo. Masyado kang perpekto para sa akin, masyado akong gaga para sa iyo.
Naglayas ako sa amin, sumama sa iba. Tuluyan ko nang winasak ang buhay ko, tuluyan ko nang sinira ang lahat. Nawalan na rin ako ng balita sa iyo, pero ayos lang. Mabuti na wala akong alam tungkol sa'yo. Ayoko na ring malaman mo ang tungkol sa impyernong kinalalagyan ko. Ilan taon rin ang lumipas.
Apat na taon ang nakaraan mula nung una mo kong minahal, magta-tatlong taon mula nung huli tayong nagkita. Ano na bang mga nagbago? Sa tuwing tumitingin ako sa salamin, tulad pa rin naman ng dati. Nararamdaman ko pa rin ang pag-ibig mo. Ang higpit ng yong kapit, ang init ng iyong hininga, lahat ng tungkol sa'yo, sariwa pa rin sa utak ko. Pakiramdam ko, sa isang panig ng mundo, nandun ka, hinihintay ako. At nang makausap ko ang isang malapit sa'yo, mukhang tama nga ang hinala ko. Mula nang naghiwalay tayo, kailan ka lang daw nanligaw ulit. Sa loob ng halos tatlong taon, ako lang daw lagi ang iniisip mo. Sinubukan mo daw akong hanapin, pero magaling akong magtago. Sinubukan mo rin daw akong kalimutan, pero ayaw ng puso mo. Sa loob ng mahabang panahon na iyon, ako lang daw ang minahal mo. Tuluyan ko nang iniwan ang impyerno ko. Sinubukan ko ring kalimutan ang lahat ng demonyo sa buhay ko. Nakauwi na rin ako sa amin. Pumapasok na uli ako sa eskwela. Magsisimula na ako ng panibagong buhay. Sapat na ang apat na taon na pagdurusa para maging puhunan ko sa bago kong paglalakbay. At ngayon, malakas na ako, hindi na ako kayang tangayin ng kahit anong tindi pang alon. Ang kulang na lang, ikaw. Gusto ko sana kasama kita sa panibago kong simula, gusto ko sanang bumalik sa'yo, sana tanggapin mo pa ako. Ngayon, sigurado na akong kaya kong tumbasan ang pagmamahal mo. Kaya na kitang mahalin ng tulad ng ginawa mo.
Kanina, galing ako sa inyo. Wala ka, pumasok ka daw sa eskwela. Sayang, matagal na rin kitang hindi nakita. Kumusta ka na kaya? May nagbago kaya sa'yo? Mahal mo pa rin kaya ako? Hindi ko inaasahan, masakit dahil hindi ko inaasahan ang mga naging sagot sa tanong ko.
May bago ka na daw girlfriend. Kailan lang daw nang naging kayo. Matagal-tagal din bago ka nakahanap ng iba. Siguro napagod ka na. Parang ako daw siya. Katulad na katulad ko daw nung una mo kong makita nung high school tayo. Maliit at chubby din daw. Kung may minahal ka nga daw, yun ay ang ako na nakita mo sa kanya. Kakatwa, pero sobrang sakit.