Get me outta here!

OJT, Part 7/12

<<<ANG NAKARAAN


May 1, 2011

7:09PM



"Akala ko di ka na pupunta..."

"Eh, wala lang... Sino-sino kayo?"

"Ayun, si Karl, si Gilbert, si Nico, tsaka si Anthony. Lika, pasok ka na..."

"Ako lang babae? Na naman? Ano ba yan..."

"He he!"

"Gusto mo i-text ko si Cecil, papuntahin ko dito."

"Gago ka ba? Gusto mong mag-World War III dito?"

"Ha ha!! World War III talaga?"

"Pasok ka na, kanina ka pa hinihintay ni Gilbert."

"Ngek!"

"Nagdadrama nga na naman yun eh."

"Palagi naman eh."

"Ikaw kasi, binasted mo."

"Hindi ko siya binasted no. Ano ba, akala ko ba naintindihan niya. Inexplain ko naman na sa kanya yung sitwasyon."

"Ano bang sitwasyon?"

"Na ayoko pang mag-boyfriend. Wala naman akong masasabi kay Gilbert, mabait naman siya, yun nga lang, di ba, hindi pa ito yung right time."

"Sige, sabi mo eh. Tara na, pasok na tayo. Lalamig na yung iced tea mo."

"Tss... lasing na ata yang si Gilbert eh... Maya na lang."

"Hindi yan... Ngapala, ba't ang saya-saya mo kagabi?"

"Wala, ayun... ni-like kasi ni Sir Max yung iba kong post..."

"So?"

"Wala, masaya... na binabasa niya pala di ba..."

"Anong gusto mong palabasin?"

"Wala."

"Anong wala? Besfren, gumising ka nga. Facebook lang yan. Hindi porket ni-like niya ang post mo, like ka na rin niya. Alamin mo naman kung kailan mo ihihiwalay ang realidad sa pantasya."

"Alam ko kung kailan naghihiwalay ang realidad sa pantasya Ginoong Roman. Hindi mo kailangang ipaalala sa kin."

"Eh ang O.A. mo na kasi eh. Lam mo yun? Para kang tanga..."

"Ewan ko sa yo..."

"Tuwang-tuwa ka naman pala na eh, bakit pumunta ka pa dito? Di dapat dun ka na lang sa inyo, tapos pinagla-like nyo mga post ng isa't-isa."

"Hindi siya online. Hindi ko na siya naabutang online kagabi. Hindi rin siya nag-online buong araw."

"Ah, kaya pala ganyan mukha mo ngayon... Ano lang ba ginawa mo maghapon?"

"Nag-computer. Nanood ng Royal Wedding. Naka-chat ko si Kuya Celso, sabi ko, yun, hindi ako makakapagsulat sa La ngayong sem, ayaw kasi akong pag-resignin eh. Nagsulat ng blog. Nagpalit ng profile picture. Nag-upload ng mga picture, ngayon ko lang na-upload yung nag-MOA tayo, tsaka..."

"?"

"Oo na, hinintay ko siyang mag-online."

"Alam mo, para ka nang tanga. Uulitin mo na naman ba yung ginawa mo..."

"Bakit ba? Eh sa masaya ako sa ginagawa ko eh. Wala na ba akong karapatang magkagusto sa isang tao?"

"Pero nagmumukha ka nang tanga. Ganyang-ganyan ka din dati kay..."

"Tss..."

"Wag kang makaiyak-iyak sa 'kin kapag..."


"Iba naman 'to, ok? Alam ko naman ang ginagawa ko. Enjoy lang.. Tsaka, naka-hide naman yung mga yun sa kanya, kaya di niya yun makikita, ok? Hindi kagaya nung kay..."

"Hmph!"

"Ano bang problema mo?"

"Wala."

"Eh bakit naggagaganyan ka?

"Wala. Nakakairita na kasi, puro ka na lang Sir Max. Sir Max dito, Sir Max ganyan. Alam mo yun? Wala ka na bang alam ikuwento kundi siya?"

"Ayaw mo na makinig sakin? Ayaw mo na akong kausap, ganun?"

"Hindi ganun, pero, paulit-ulit na lang eh, alam mo yun, nakakasawa na eh... Mabuti sana kung..."

"Kung ano?"

"Alam mo, tingnan mo, intern ka lang, boss mo siya, sa tingim mo ba magkakagusto siya sa 'yo? Pagkatapos ng OJT nyo, maghihiwalay kayo ng landas, magkikita pa ba kayo? Asa. After 1 year, sa tingin mo maaalala ka pa niya? Sa dami ng nago-OJT sa kanila? Sa huli, anong mapapala mo? Ngayon, kikilig-kiligin ka, next month, ano? Magda-drama drama ka, kasi di niya nire-replyan mga PM mo, hindi siya nag-oonline, hindi kino-commentan mga post mo sa wall niya. Pag may ibang taong makakita ng mga yun, anong sasabihin nila? 'Ano ba yang si Cha-Cha desperada, ano ba yang si Cha-Cha, malandi'. Puta, pag naririnig ko yung mga ganun... Naku!"

"..."

"Halika na, pasok na tayo sa loob, malamok na dito..."

"Hindi na, uwi na ko."

"Pota naman oh, kakarating mo lang eh."

"Mabuti pa sila Gina, matinong kausap..."

"So, hindi pala ako matinong kausap? Sige, magsama-sama kayo nila Gina, nila Cecil, mga..."

"Hindi mo kasi naiintindihan, ok? Palibhasa di ka pa nagkakagusto..."

"Ako? Hindi pa nagkakagusto?! Ha! Kung alam mo lang..."

"Alam mo, hindi mo naman kailangang magsalita eh. Makinig ka lang. Yun lang. Yun lang naman ang kailangan ko eh, yung may makikinig sa mga sinasabi ko, kahit kababawan lang, kahit kalokohan lang. Hindi yung, 'Ah si Charmaigne yan, may importante yang sasabihin, makinig kayo'. Alam mo yun? Simple lang naman di ba?"

"Nakikinig naman ako eh. Pero siyempre, bestfriend mo ko. Sinasabi ko lang naman yung totoo. Yung logical truth!"

"Sinasabi mo lang yung kailangan kong marinig. Pero hindi mo sinasabi, yung gusto kong marinig!"

"Ano bang gusto mong marinig?"

"Ewan ko sa 'yo! Uuwi na ko."

"Hatid na kita sa sakayan."

"Wag na! Mag-inuman na lang kayo d'yan. Leche!"


May 2, 2011
7:52AM

"Hello, Charmaigne."

"Ser?"

"Bakit single pa si Thor hanggang ngayon?"

"Po?"

"Kasi, Thor-pe siya."

"Ha?"

"Torpe... si Thor.. Thor pe. Got it? Didn't?"

"Ah.. ok. Luma na yan Sir eh."

"Oh, it's not funny? Cause I thought it was hilarious, kay Ralph nanggaling yung joke na yun."

"Corny na kasi kapag ilang beses nang narinig."

"Oh, I see... Well, I came in and saw you not smiling like the usual, so, I thought why not crack a little joke just to..."

"^__^"

"There. You're smiling. Better. See? I risked my credibility by that stupid joke, but it was all worth it because you smiled."

"Ha ha. Salamat..."

"Your welcome.
Guys, listen: From now on, may bago akong rule dito sa station natin. Bawal. Ang. Naka. Simangot. Smile everyone, its a good day!
See you later, Charmaigne."


                             "Aba, parang good mood si Sir ngayon ah..."

      "I know, right? Ngayon ko na lang nakita ganyan yan ever since.."

        "Ay, naku, di n'yo pa ba alam ang chika?"

                "Share!"


        "Nagkabalikan na sila ni Ma'am Lalaine."

                          "Weh?"


        "Oo, sure ako d'yan. Kausap niya sa cellphone kanina, sa lobby, sa baba."


          "Stir..."


                              "Talaga...?"


OJT, Part 6/12


April 30, 2011
11:34 AM


"Aga mo naman... kakagising ko lang eh."

"Alas-onse na kaya."

"Oh, bakit? Ano meron at napadaan ka?"

"Helllloooo world?!? Manonood tayo ng Thor 'di ba? Remember?"

"Aw shemay, oo nga pala no..."

"Nakalimutan mo? Tsk! Ok lang, sige na, bihis ka na."

"Yun nga, bespren, napanood na namin yung Thor kagabi."

"Ha?"

"Kasama yung sila...Sir Max. Yun... Soweee..."

"Ano ba yan. Tagal na nating pinlano yan 'di ba? Nakakainis ka naman..."

"Eh kasi eh, di na ko nakatanggi.. Sorry naman..."

"Sus, porket yung boss mo lang yung nag-aya sa 'yo. Date na naman kayo."

"Hindi naman yun date eh, marami kaming nanood. Mga sampu ata kami kagabi. Parang tradition na daw yun dun sa kanila, buwan-buwan daw nanonood sila ng sine sama-sama."

"Ewan ko sa 'yo..."

"Ano ba, wag ka na magalit. Pwede naman ulit ako manood eh.."

"'Di naman yun ang point eh. Ang point dito eh, nag-promise ka. Sabi mo sabay tayo manonood*. Di ba ikaw na may sabi, kung mahalaga sa 'yo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para matupad mga pangako mo sa taong yun."

"Ano ka ba, kaya nga manonood pa rin ako ulit 'di ba. Sasamahan pa rin kita."

"Pero napanood mo na eh..."

"Eh ano naman? Maganda naman yung pelikula, wala namang masama kung panoorin kung paulit-ulit. Yung Crazy Thing nga anim na beses ko pinanood -"

"Iba naman kasi yun, DVD naman yun."

"Ganun din yun no. Sila Mama nga, apat na beses daw nila pinanood ni Papa yung Titanic eh. Sige na, magbibihis na ko. Wag ka na nga mag-inarte d'yan, sasamahan ka na nga eh."

"So sa tingin mo nag-iinarte lang ako, ganun?"

"Hindeeee... ano ba yan. Sorry, namali lang ng sabi. Kakagising ko lang eh, ok? Di pa naaalog yung utak ko. Sige na. Sige na, para di ka na magalit, sagot ko na lunch natin. Sagot ko, kahit saan mo gusto, basta sa Jollibee. He he!"

"Gagu! Gusto ko sa mahal ah.. Pizza Hut."

"Eeeee... Ok sige sige, Pizza Hut na. Madaya ka..."










12:47 PM








"Anak ng tokwa naman oh, puro puno. Kainis."

"Malamang, second day pa lang eh."

"Dapat kasi inagahan natin."

"Ayos lang yan. Alas-tres yung start, eh di matatapos ng 5 'di ba."

"Eh 'di masaya ka na naman kagabi."

"Hindi rin. Hindi nga kami magkatabi."

"Ha ha! Kawawang bata..."

"Sira. Nagulat ako, maganda yung peilikula, di ko inexpect. Tsaka ang guwapo ni Thor, ayieee."

"Actually underrated nga yang Thor eh, sa lahat ata ng Marvel superheroes, di siya masyadong pinapansin."

"Ang galing nga eh, kasi parang hindi siya superhero movie, parang Shakespearean play ang dating niya. Lalo na yung mga characters."

"Talaga?"

"Yup. At, ngapala, buti na lang ang dami mo nang nakwento sa kin tungkol sa Marvel Universe kaya naka-relate ako sa mga pinag-uupasan nila Sir kagabi. Pareho kayong geek, grabe."

"Pasalamat ka pa pala sa 'kin."

"Aba! Kaya mahal na mahal kita eh. Pano na lang kaya ako kung hindi kita naging bestfriend? Baka na-OP na ko dun kagabi."

"Ngapala, narinig mo na yung nangyari kina Karl at Cecil?"

"Hindi, ano yun?"

"Nag-break sila."

"Na naman? Parang kaka-break lang nila ah. Ano na namang dahilan?"

"Eh di yun, lumandi na naman yung kaibigan mong yun."

"Naku naman."

"Eto naman kasing si Karl, sabi na dating wag nang makipagbalikan, sige pa rin ng sige."

"Eh sa mahal na mahal niya si Cecil eh..."

"Yan namang Cecil na yan, ang landi-landi. Nakakairita, sakalin ko yan pag nakita ko eh."

"Uy, ano ka ba, wag ka ngang ganyan, kaibigan ko kayo pareho, ok? Alam mo --paabot nga nung pang slice-- may pagka-isip bata pa kasi itong si Cecil. Hindi rin naman natin siya masisisi, curious siya sa mga bagay bagay, intindihin na lang natin yung tao. Mabait naman yun eh."

"Basta. Mag-iinuman kami kila Gilbert bukas, gusto mong sumama?"

"Ano gagawin ko dun? Alam mo naman di ako umiinom. Iced tea na naman?"

"Ha ha! Ikaw lang ata ang nalalasing sa iced tea."

"Loko!"

"Ba't ganun kayo no?"

"Ano na naman?"

"Mga babae. Ang hirap n'yong intindihin."

"Ano ka ba, hindi lahat ng babae ganun no. Dapat mo kasing ma-realize na hindi pare-pareho ng ugali ang mga babae, kagaya nang hindi pare-pareho ang mga lalake."

"..."

"Pero one thing's for sure. Dynamic kaming babae. Sabi nga sa isang tula 'di ba, para kaming alon sa dagat, unpredictable."

"Pero bakit ganun si Cecil? Di ko siya maintindihan."

"Ayaw pa kasi niya mag-commit."

"Anong gusto niya? Yung parang kayo pero hindi kayo? Yung ganun?"

"Uhum."

"Topak naman oh."

"Hayaan mo kakausapin ko siya after ng OJT, hindi na rin kasi siya nagre-reply sa mga text ko."

"Pero ayos din yung ganun ano?"

"Alin?"

"Yung parang kayo pero hindi kayo. Walang commitment."

"Hindi rin."

"At least walang masasaktan di ba?"

"Pano mo naman nasabi na walang masasaktan? Alam mo, sa isang relasyon, hindi lang yan puro sarap, meron din yang hirap at sakit. Kung kilig lang ang habol mo, umihi ka na lang sana."

"Pero..."

"Parang exam yan eh. Nakita ng Prof mo na pareho kayo ng sagot ng katabi mo, anong sasabihin mo? 'Hindi naman po ako nangopya, tiningnan ko lang yung papel niya.' Di ba? Ganun yun. Niloloko niyo ang ibang tao, niloloko niyo ang isa't-isa, at niloloko niyo mga sarili niyo."

"Pero..."

"Selfishness kasi ang umiiral sa mga ganyang relasyon eh. Parang, gusto mo tanggap ka lang ng tanggap ng love, ayaw mong magbigay, kasi takot na baka mas marami kang maibigay kesa sa natanggap mo. Oh di ba, sarili mo lang ang inisip mo. Asan ang love?"

"Oo na, oo na, ang dami mong alam. Akala mo naman may experience ka na sa mga ganyan."

"Bakit ang doktor ba kelangan munang magka-Cancer bago niya maintindihan ang sakit na Cancer? Tsaka, yan ang nakukuha ko sa mga binabasa kong libro. Ikaw kasi, di ka mahilig magbasa."

"Nagbabasa rin naman ako no."

"Oo. Binabasa mo, songhits, komiks, manga. Ha ha! Yung Tuesdays nga na pinahiram ko sa'yo di mo pa rin tapos hanggang ngayon."

"Nakakatamad eh. Tsaka walang picture. He he!"

"Ano ka, bata? Ha ha! Nakuwento ko na ba sa 'yo yung sa Lolo ko?"

"Alin?"

"Yung kung papano sila nagkatuluyan ni Lola?"

"Hindi pa."

"Ganito kasi yan, nung dati daw, sa probinsya nila, uso yung mga sayawan sa baryo. Dun daw unang nakita ni Lolo si Lola, tapos tinamaan daw siya agad, kasi ang ganda-ganda daw ni Lola nun. Eh di nilapitan niya, tapos sinabihan niya agad na 'Wag kang magpapaligaw sa ibang lalake, kasi ikaw ang babaeng pakakasalan ko.' Akala naman daw ni Lola, nagbibiro lang. Tapos, kinabukasan, pumunta agad sa bahay nila Lola si Lolo, nagsisibak ng kahoy, nag-iigib ng tubig sa ilog, yung mga makaluma, alam mo yun? Tapos, hinaharana pa daw siya. Eh si Lola naman, ayaw naman daw kay Lolo, kasi hindi rin naman ganun ka-guwapuhan si Lolo, tsaka marami ring nanliligaw kay Lola nun, yung iba taga-Maynila pa. Pero, ang tiyaga-tiyaga daw ni Lolo. Tatlong taon niyang niligawan si Lola, imagine, 3 years? Tapos, yun, napasagot din niya si Lola. After one year, nagpakasal na sila. Ayun, hanggang ngayon, ang tibay pa rin nila. Di ba? Yan ang commitment! Yung ibang mag-jowa ngayon, lima o sampung taon nang magka-relasyon, pero hindi pa rin nagkakatuluyan."

"Asa ka namang may ganun pang lalake ngayon 'no!"

"Yun na nga eh! Asan na yung mga ganun ngayon? Yung iba d'yan ngayon, pa-text text na lang, masabi lang na mahal nila yung isang tao. Pero kulang sa actions."

"Pano kung may magsabi sa 'yo nun?"

"Na?"

"Na, pakakasalan ka niya."

"Eh di GO! Hindi ko siya pipigilan. Pero siyempre, pa-ibigin niya muna ako di ba. At pag ako napa-ibig niya ko, sa kanya ako habang buhay!"

"Cha-Cha, pakakasalan kita."

"Ha ha ha! Gagu. Masyado pa tayong bata para magpakasal. Tsaka, ang dami ko pang pangarap sa buhay no. Mga, pagdating ko ng 28 or 27, yan, pwede na ko magpakasal niyan. Pero siyempre, masarap yung feeling na may taong handang makasama ka for the next 1,000 years, di ba?"

"So, pagdating mo ng 28, pakakasal na tayo?"

"Ulul! Bakit ako pakakasal sa'yo? Bakett, boyfriend ba kita?"

"Sige, ganito na lang, pagpatak mo ng 28, at wala ka pang boyfriend, pakakasalan kita."

"An-no!?"

"Siyempre, naaawa naman ako sa yo diba? Bilang besfren mo, ayoko namang makita kang tumandang dalaga di ba? Siyempre, sinong mag-aalaga sa yo? Wag kang mag-alala, wala namang malisya sa side ko yun eh, he he!"

"Ay ang kapal ng mukha, abot hanggang dito oh. Kita mo yan.. mukha mo yan oh, kita mo sasampalin ko, sasampalin ko. Ha ha!! Di ko pinangarap tumandang dalaga no! Lalo na ngayon, nakilala ko na ang Prince William ko. Buwa ha ha!!"

"Asa. Ha ha! Oo nga no, kahapon nga pala yung kasal nila."

"Pinanood mo?"

"Hindi. Anong pake ko sa kasal nila. Hindi naman ako yayaman."

"Ha ha! Bitter. Hindi ko rin napanood, tingnan ko sa Youtube mamaya."

"Uy, teka, pang-limang slice mo na yan ah! Akala ko ba hating-kapatid?"

"Sorry, hating mag-bestfriend. Ha ha!"



6:43 PM

"Ginagabi ka ata ah."

"O.A. mo Ma, ha, aga pa kaya. Pa-kiss."

"Uhm."

"Yabyoo..."

"Hala, sige, computer agad, kakauwi lang, hindi muna magbihis."

"Ha ha! Gusto ko mapanood yung Royal Wedding, napanood mo?"

"Oo, maganda. Ang ganda ng damit ni Kate. Parang fairy tale. Ngapala, nag-text si Dindin, yung pinsan mo, add mo daw siya sa Facebook."

"Ok, sige. Search ko, ano ba gamit niyang name?
..."





"Ayieeee...."

Meaningful Words from Mitch Albom's Have A Little Faith

I am not a religious person, I don't go to Church every Sunday, I don't have a rosary and I don't do the sign of the cross. However, I do believe in God, I believe in the Bible, and all that's written in it. I always tell myself and other people that my faith is stronger than any dogma, doctrine or tradition set by any religion. But as I went home one day, I noticed an advertisement pasted on the back of a bus, similar to this:



Some say that the World, as we know it, will end (?) on May 21, 2011, Saturday. I simply dismissed it as some religious folly, remembering that verse in the Bible stating that not even Jesus know when he will return, so how come this guys know? I can talk about it to some officemates or friends, or discuss it on some forum, and all I'll get is an endless argument on the existence of God and the authenticity of the Bible; and most of all, about faith.

A year ago, I would have thought different about faith. But after I read Mitch Albom's Have A Little Faith, I re-evaluated what I believe in. I questioned my own faith, and challenged myself how I strongly cling to it. Up to know, these words written on that book still linger in my head.


"Faith is about doing. You are how you act, not just how you believe."

"Lord, I've done x amount of good stuff on earth. I have tried to follow your teachings and to pass them on. I have loved my family, I've been part of a community. And I have been, I think, fairly good to people. So, Heavenly Father, for all this, what is my reward? And what do you think God will say? ... He'll say, 'Reward? What reward? That's what you were supposed to do!'"

"I am in love with hope."'

"You should be convinced of the authenticity of what you have, but you must also be humble enough to say that we don't know everything. And since we don't know everything, we must accept that another person may believe something else."

"And is often the case with faith, I thought I was being asked a favor, when in fact I was being given one."

"You're not listening with your eyes."

"When you come to the end, that's where God begins."

"The most inspirational man I knew only reached his potential by helping a child reach his."

"It is far more comforting to think God listened and said no, than to think that nobody’s out there."

"Nothing haunts like the things we don't say."

"But you must be humble enough to say that we don't know everything. And since we don't know everything, we must accept that another person may believe something else."

"You might find another woman, but you will never find your wife."

"The Reb, I'd learned, was like a tough tree; he bent with storms but he would not snap."

"If we tend to the things that are important in life, if we are right with those we love and behave in line with our faith, our lives will not be cursed with the aching throb of unfulfilled business. Our words will always be sincere, our embraces will be tight. We will never wallow in the agony of 'I could have, I should have.' We can sleep in a storm... And when it's time, our goodbyes will be complete."

"The nurse gave him his pills. On her way out, he whispered after her. 'Please...if you turn off the lights, could you stop by once in a while and remember I'm here?'"

"I am neither better nor smarter, only luckier. And I should be ashamed of thinking I know everything because you can know the whole world and still feel lost in it. So many people are in pain – no matter how smart or accomplished – they cry, they yearn, they hurt. But instead of looking down on thing, they look up, which is where I should be looking too. Because when the world quiets to the sound of your own breathing, we all want the same things: Comfort, love and a peaceful heart."

"Did you feel guilty cursing God - you, of all people?
'No,' he said. 'Because even in doing so, I was recognizing there was a greater power than me.'
He paused.
'And that is how I began to heal.'"

"If the only thing wrong with Moses is that he's not yours; if the only thing wrong with Jesus is that he's not yours; if the only thing wrong with mosques, Lent, chanting, Mecca, Buddha, confession, or reincarnation is that they're not yours - well, maybe the problem is you."

"If you could pack for heaven, this was how you'd do it, touch everything, take nothing."

"In any conversation, I was taught, there are three parties: You, the other person and God"

"Remember, the only difference between 'marital' and 'martial' is where you put the 'i'"

"Here on earth, falling is less dramatic. You drift. You wander off."

"There was a sermon where he brought a squash and a piece of wood, then slammed each with a knife to show that things which grow quickly are often more easily destroyed than those which take a long time."

"He had a way of looking you in the eye and making you feel the world had stopped and you were all that was in it."

"Upon retirement, he voluntarily moved out of his large office and into a smaller one."

"Personally, I always wondered about authors and celebrities who loudly declared there was no god. It was usually when they were healthy and popularand being listened to by crowds. What happens, I wondered, in the quiet moments before death? By then, they have lost the stage, the world has moved on. If suddenly, in their last gasping moments, through fear, a vision, a late enlightenment, they change their minds about God, who would know?"

"To think that you died and no one would remember you. I wondered if this was why we tried so hard to make our mark in America. To be known. Think of how important celebrity has become. We sing to get famous; expose our worst secrets to get famous; lose weight, eat bugs, even commit murder to get famous. Our young people post their deepest thoughts on public Web sites. They run cameras from their bedrooms. It's as if we are screaming, Notice me! Remember me! Yet the notoriety barely lasts. Names quickly blur and in time are forgotten."

"Having more does not keep you from wanting more. And if you always want more-to be richer, more beautiful, more well known-you are missing the bigger picture, and I can tell you from experience, happiness will never come."

"Because one thing God gave us—and I’m afraid it’s at times a little too much—is free will. Freedom to choose. I believe he gave us everything needed to build a beautiful world, if we choose wisely."

"But we can also choose badly. And we can mess things up something awful."

"You can't work your way into heaven. Anytime you try and justify yourself with works, you disqualify yourself with works. What I do here, every day, for the rest of my life, is only my way of saying, 'Lord, regardless of what eternity holds for me, let me give something back to you. I know it don't even no scorecard. But let me make something of my life before I go...'"

"It's the blending of the different notes that makes the music."

"You knew me. You knew that person, but you don't know the person that I'm trying to become."

"Emptiness is not tangible …I swear I could touch it."




Though our country is mostly Catholic, Filipinos' faith are diversified, and with all the religious fanaticism surrounding us, its hard to know what to believe in. But we always have freedom to believe whatever we want to believe, and we should always respect what others believe into. Simply because we don't know everything, nobody does.

OJT, Part 5/12







April 25, 2011
8:16 PM




"Charmaigne!"

"Sir?"

"Thank you for that... wonderful conversation."

"Wala yun Sir, next time ulit. Ba-bye..."


April 26, 2011
10:22 AM

"Charmaigne."

"Huh?"

"Smile!"

"Sir! Ginulat nyo naman ako. Oily pa mukha ko, teka, di nyo man lang ako pinagpulbos..."

"Ok lang yan, kaya nga tinawag na stolen shot di ba."

"Hala! Ang pangit ko d'yan..."

"Nah. Anyway, meet my first love - photography."

"Talaga?"

"Yeah. When I was a kid, I really dreamed of being a photographer, my Lola gave me my first SLR back in High School, di pa uso digital nun. Pero ayaw ni Papa, wala daw future sa photography. So, I took up Computer Engineering and here I am."

"Aww... Hindi pa naman huli ang lahat Sir, pwede ka pa namang bumalik."

"Nah, hindi na. I gave up my dream already."

"Nooo, Sir, huwag kayong sumuko. Sabi nga di ba, obligasyon natin sa sarili natin na tuparin ang mga pangarap natin. Hindi natin dapat pinapansin yung mga taong haharang sa 'tin. "

"I don't know... I mean, what for? I have a stable job, I'm satisfied with what I'm earning, and I'm happy with this."

"Pero hindi naman tayo nangangarap para sa pera, 'di ba? Natural na sa atin ang mangarap, at sa tingin ko, bawat tao eh binigyan ng kapasidad na tuparin ang mga pangarap niya. Example, kayo Sir, pangarap niyong maging photographer; kung sa tingin n'yo meron naman kayong "artistic eye" at creativity sa pagkuha ng mga pictures, anong dahilan para hindi n'yo tuparin ang pangarap n'yo? Ako, gusto kong maging writer, sa tingin ko naman meron akong talent sa pagsusulat. Yun nga lang ang talent ko eh, di ako marunong sumayaw, sintunado ako, hindi ako magaling mag-drowing. Sa pagsusulat ko nai-express yung nararamdaman ko. Gusto ko sanang mag-aral sa UP para makakuha ng formal training sa pagsusulat, hindi nga lang ako nakapasa. Gusto nila Mama nun, mag-Nursing ako para daw makapag-abroad, pero ayoko naman ng ganun, hindi naman yun ang pangarap ko eh. Naghanap ako ng mapapasukan, pero hindi kaya ng bulsa nila Papa. Pumasok akong PUP, gusto ko sana Journalism, kaya lang... pinagbigyan ko na lang din sila Papa, kaya nag-ComSci ako."

"Well... too bad."

"Naintindihan ko naman sila, alam ko naman yung sitwasyon namin, pero hindi yun naging hadlang sa pagtupad ko ng gusto ko. Nag-dyaryo ako, nag-take ako ng mga training, sumali ako sa Palanca, ok lang kahit hindi nanalo. Lahat yun, steps para ma-achieve ko yung dream ko."

"..."

"Wala nang mas nakakalungkot pang tingnan kundi ang isang tao na, may kakayahang tuparin ang mga pangarap niya, pero wala siyang ginawa para dito."

"Right..."

"Tingnan mo, kung hindi nagsikap mga scientist noon 'di sana 'di pa tayo nakatira sa Jupiter ngayon, di ba?"

"What the-? Hindi naman tayo nakatira sa Jupiter ngayon ah?"

"Yun na nga yung point, di ba?"

"Wha-? Ha ha ha!! Alam mo... alam mo, I don't know where you get these jokes... I don't know if I'll laugh or.. Ha ha!! For a moment there I thought you were being serious... but then. Ha ha!!"

"Ha ha ha!! Seryoso naman po ako Sir eh, wala lang, bigla ko lang naalala si Bob Ong."

"Who?"

"Bob Ong, Stainless Longganisa."

"Ow..."

"Hindi nyo kilala si Bob Ong?"

"Nnoo... I've never heard of him."

"Grabe, hindi nyo kilala si Bob Ong? Hindi nyo pa nababasa mga libro niya?"

"I don't read books anymore. Back in College, mahilig ako, pero ngayon, time is the enemy. I remember recently, a friend gave me this book 'The Girl With The Dragon Tattoo' by Stieg Larsson and I haven't touched it ever since. Mahirap kasing ma-attach sa pagbabasa, masyadong maraming oras na makakain. It looks interesting though, I heard they're making a movie out of it, I guess yun na lang ang papanoorin ko, 2 hours, then tapos na. That's what I did with the last Harry Potter book."

"Maiksi lang naman mga libro ni Bob eh.. first name basis talaga eh no, feeling close. Ha ha! Try n'yo basahin Sir, maganda. Puno ng humor, pero marami ring matutunan na lessons sa buhay. Nakaka-inspire pa... "

"Oh well, pag napadaan ako ng Fully Booked, try ko maghanap."

"Gusto nyo, pahiramin ko na lang kayo. Kumpleto ko 8 books niya."

"8 books? Whoa, I can't read that, at this rate, that would take half a year to finish all."

"Hindi, maiksi lang talaga mga libro niya, promise."

"Ok. I'll look forward to it. So... by the way, I forwarded na the client's comments since last time. Wala pa si Gina, half-day lang ata siya ngayon, pero, sabi niya, nag-iwan naman daw siya ng tasks sa 'yo."

"Sige po."


April 27, 2011
9:02 AM

"Sir! Dala ko na. Lahat. Ayan oh..."

"Wow, you're really serious, huh?"

"Siyempre. 8 books: Green book, Yellow Book, Black Book, Orange Book, White Book, Red Book, ahh... Silver Book? Ha ha, di ko alam... and Purple Book."

"Nice. So you expect me read this all, before your OJT ends?"

"Kayo po.. kayo bahala, kung kaya niyo. Pero matatapos n'yo naman yan agad. Itong Alamat ng Gubat, binasa ko lang to sa National Book Store, natapos ko, cover to cover, nakatayo. Pagkatapos kong basahin, saka ko lang siya binili. Matatapos nyo yan lahat agad."

"Let's hope so. Kasi 'di ba, how am I supposed to return these kung wala ka na dito, 'di ba?"

"Oo nga no..."

"Wait, anong uunahin ko dito?"


April 29, 2011
12:06 PM

"Sir, tapos n'yo na?"

"What? Hindi pa. Ha ha! Ang dami kaya nun."

"Sige po."

"Anyway, wait. Do you have any plans tonight?"

"Po?"

"First day screening ng Thor today. Wanna come?"

"Sine?"

"Yup, sa Mega."

"Ah..."

"Actually, I was just kidding. I already bought tickets, so you have no choice but to come."

"Ganun? Pilitan?"

"No. Aw, that was the joke part... argh! I told you I'm not good at jokes... Sorry. But if you don't want to come, it's okay."

"Ah, hindi, ok lang po. Magpapaalam lang po muna ako sa bahay."



OJT, Part 4/12



April 25, 2011
8:45 AM




View Profile

"Sir Max?"

"Yes?"

"Kayo po ba si Emil Perez?"

"Yah. Thanks for accepting. I'm stalking you ri-I mean, I'm looking at your profile right now. You know, you're a very funny girl, had me laughing this whole morning."

"Thank you po. Sige po..."

"Ok."

"Patay. Tinitingnan niya yung profile ko. Hala! Mababasa niya... Shet!"


8:54 AM

"Hello, bespren, ba't ang tagal tagal mong sagutin?"

"Nasa ofis ako."

"Alam mo yung password ko sa Facebook di 'ba?"

"Oo."

"Pasuyo naman oh, please. Burahin mo yung mga status ko, lahat nang tungkol sa boss ko. Dali na, please..."

"Aha, takot kang mabasa niya mga kalandian mo no?"

"Hoy, umayos ka nga, joketime lang naman yun. Malay ko ba na ia-add niya ako. Dali na, please..."

"Yan kasi, bakit kasi in-accept mo?"

"Sabi mo i-accept ko!"

"Wala akong sinabi ah."

"Dali na! Please, please, besfreeeeen..."

"Bakit hindi na lang ikaw magbura?"

"Bawal nga mag-Facebook sa 'min di ba?"

"Eh pano yan, bawal din mag-Facebook sa 'min."

"Oy, sabi mo last time, pwede!"

"Ha ha! Joke lang. Sige na, sige na, buburahin ko na."


12:02 AM

"Oooh, Chicken Adobo."

"Ah, opo, gawa ni Mama."

"Nice. You were wondering about my name earlier..?"

"Po? Ah, opo, kasi, iba yung pangalan n'yo, akala ko ibang tao."

"There's a story behind that, my name. I'll tell you but promise me you won't laugh."

"Sige po."

"My full name is Maximiliano Perez IV."

"Hufpppphhh..."

"See? It's funny, right? That was my Great-Grandfather's name, and they decided to pass it down the line. And it sucks, believe me, during High School, everyone was laughing when the teacher calls my name. 'Maximiliano! Stand up!' It was hilarious. Then, I met Lalaine, and she called me 'Emil' for short. Then it just stuck, everybody calls me Emil now. Nobody even remembers my real name."

"Pero dito po, bakit Sir Max ang tawag sa inyo?"

"I don't know, I can't remember. Sila Boss Robert ata nagtawag sa 'kin nun, mas cool daw pakinggan"

"Ahh..."

"How about you? What's the story behind your name?"

"Wala naman po. Ordinaryo lang naman yung pangalan ko."

"You know, you're very charming..."

"Po?"

"You're a charming girl."

"..."
"That was a joke."

"Ha?"

"You know, charming - Charmaigne - charm: a particular quality that attracts, or having a delightful characteristic. It is a pun-intended joke, sorry."

"Ha ha! Okay. Akala ko..."

"Sorry.. I'm not that good at jokes. Medyo bagsak ako sa sense of humor academy. Unlike you, you have a lot of sense of humor."

"Hindi naman po masyado..."

"Tawa ako ng tawa dun sa post mo. I can't remember when was the last time I laughed that hard."

"Aling post? Yung... status... ko...?"

"Yung sa bading na stand-up comedian. What was his name again..."

"Ah, si Vice Ganda. Whew..."

"Yun! Grabe, di ako maka-get over."

"Buti naman, akala ko... safe..."


7:30 PM

"Hello."

"Uy, Sir, uwi na rin po kayo?"

"Yup. Saan ang way mo?"

"Pa-North po ako eh."

"EDSA?"

"Opo."

"Tara, sabay na tayo."

"Di n'yo po ata dala yung sasakyan n'yo ngayon?"

"Coding ako kapag Monday. Usually pumapasok ako ng maaga para hindi umabot sa coding, pero kanina medyo na-late ako ng gising, kaya yun..."

"Ahh.."

"Medyo matagal na nga rin akong di nakakasakay ng bus.. Ano bang sinasakyan mo? Nage-MRT ka ba?"

"Ah... min...san... pero magbu-bus lang din ako ngayon... hindi... ko kasi mahanap yung MRT card ko. Ahi hi..."

"Saan ka nga ba ulit?"

"Sa may Bagong Barrio po."

"Ow, pwede na tayo magsabay. Caloocan ako, I can take any bus that passes through Monumento."

"Oo nga no..."


7:49 PM


"I remember, you told me, you never had a boyfriend. Right?"

"Hindi pa. Kasi nag-promise ako kay Mama na, tatapusin ko muna yung pag-aaral ko."

"Then, how come, ang dami mong alam?"

"Wala lang, nababasa ko lang. Tsaka, sa mga kuwentuhan, yun..."

"Have you ever broken a promise?"

"Po?"

"Promise na hindi mo natupad?"

"Meron na siguro, pero hindi ko maalala... Sinisikap ko kasi na, siyempre, di ba, promise yun eh... kung pinapahalagahan mo yung taong pinangakuan mo, tutuparin mo."

"Have you ever thought about your future? Plans, or any sort of?"

"Job interview po ba itu Sir? Ha ha!"

"Hindi naman... This "not driving" thing just makes me... bored."

"Future... magtrabaho, as programmer. Malay n'yo, sa Nautilus pa, kapag natanggap ako. Pero ang gusto ko po talaga eh magsulat."

"Magsulat?"

"Magsulat, as in writer."

"Talaga? Walang pera dun. Specifically here in the Philippines, underrated ang mga writer dito."

"Oo nga eh. Pero, yun kasi ang first love ko eh. Ang magsulat. Nung High School, editor-in-chief ako ng school paper namin, tapos pagkapasok ko nitong College, The Catalyst agad ang una kong pinuntahan. Kaso, etong mga huling araw, medyo nai-stress out na rin ako sa academics, baka mag-resign ako ngayong pasukan."

"Sayang naman. Speaking of love, have you ever fallen in love?"

"Hindi pa. Alam mo Sir, hindi ako naniniwala d'yan sa falling in love na yan eh."

"Ow?"

"Teka, eto, may nabasa ako sa isang blog. Ang sabi niya, 'people who fall in love are stupid; in love, you don't fall, you jump.'"

"You jump?"

"Ganito yan Sir eh, anong tawag mo sa taong nahulog sa building?"

"Ahhh.. Tanga?"

"Exactly! Hindi siya nag-ingat, kaya nahulog siya. Eh ano naman ang tawag mo dun sa taong tumalon sa building?"

"Tanga rin."

"Hindi! Tumalon siya eh. Kahit alam niya na puwede niya yung ikamatay. Kahit hindi siya sigurado na may sasalo sa kanya. Ika nga eh, 'leap of faith'. Hindi yun katangahan ah..."

"Well, that's balls he got there."

"Tama. Matapang siya. Sabi dun sa nabasa ko, ganun din daw ang love. Kung nahulog ka lang, nang di mo namamalayan, tanga ka. Pagbagsak mo, may sumalo sa yo, ok, pero mamaya-maya, mahuhulog ka na naman sa iba, kasi hindi ka natututo, hindi ka nasasaktan, hindi ka marunong mag-ingat, tatanga-tanga ka pa rin. Pero kung tumalon ka, kahit hindi ka sigurado sa babagsakan mo, pero tanggap mo sa loob mo na puwede kang masaktan sa gagawin mo, di 'ba, katapangan yun? Pagbasak mo, at may sumalo sa 'yo, aba, pasasalamatan mo yung taong yun, at habangbuhay mo siyang pahahalagahan, kasi, utang mo sa kanya ang buhay mo. At hinding-hinding-hinding-hindi ka na tatalon ulit. Ever."

"I can't believe I'm hearing that from a 19-year old girl. If we're on a theater right now, I will give you a standing ovation."

"Grabe naman Sir."

"Seriously. You can work as... as... alam mo yun, yung sa mga radio stations, yung nagbibigay ng advice sa love, like... ah... Chico and Delamar maybe, err, wait, I'm not sure of what I'm talking about here."

"Parang si Papa Jack?"

"Yah.. wait, who's that?"

"Basta, yun... Talaga lang Sir ha..."

"Yes. I will vouch for you, if ever. Pero, wait. What if, tumalon ka at walang sumalo sa 'yo? Ang sakit nun."

"Eh di, magpagaling ka.. tapos kapag ok ka na, talon ka lang ulit. Basta talon lang nang talon, may sasalo din sa 'yo niyan."

"But that person should be willing to take a lot of pain. Which reminds me of that song
~Love hurts, love scars
Love wounds, and marks
To take a lot of pain...~

~Take a lot of pain~

~Love is like a cloud~

~Holds a lot of rain~

~Love hurts... oooohhh oooohhhh love hu-urts~
~Love hurts... oooohhh oooohhhh love hu-urts~

"Ha ha ha!! Nazareth pala kayo Sir ah."

"Naabutan mo pa yun?"

"Hindi naman, lagi yang kinakanta sa videoke. Tsaka sa Channel 5, may show sila nyan."

"Talaga? Hindi na ko nakakanood ng TV."



8:16 PM

"Ay, sige Sir, dito na po ako..."

"Ow, sure. Ingat ha..."

"Sige po. Ingat din po kayo."

"Ah, wait, Charmaigne..."

"Sir?"