Get me outta here!

Train



Minsan nakakainis sumakay ng LRT, ang haba na ng pila, siksikan pa pagdating sa loob, tapos minsan ang tagal-tagal pa dumating. Sabi nila, parang ganun din daw ang pag-ibig. Susubukin talaga ang pasensya mo, e-effort kang pumila ng pagkahaba-haba para makasakay, pipilitin mong makapasok at makikipagsiksikan sa loob kahit parang hindi na pwede, titiisin ang sikip, titiisin ang hirap, matigas ang ulo mo eh, martir ka na ipinagtatayo ng rebulto. May mga tao naman na idealistic, tipong naghihintay ng skip train,  naghihintay ng tren na maluwag, yung hindi sira ang aircon, hindi nila alam, nalampasan na pala sila ng tren na para sa kanila. Meron namang nakasakay na sa tren, pero sa gitna ng byahe, magbabago ang isip, magbabago ang puso, bababa at lilipat sa ibang tren. Masakit, lalo na para doon sa maiiwan, dahil umasa na siya na hindi na niya kailangan pang mag-abang ng ibang tren. Umasa siya na sabay silang makakarating sa last station.

Two years ago, first o second week ata yun ng June, simula pa lang ng klase, naglalakad papuntang UN Ave. station si Francis, kasama niya siyempre si Cheska. May kalahating taon na rin silang mag-girlfriend. Nagkakilala sila sa isang pageant na in-organize ng USG (University Student Government), kung saan nanalong 2nd place si Cheska. After ng pageant, niligawan ni Francis si Cheska, after 3 weeks, sila na.

Guwapo si Francis, inimbento yata ang katagang tall, dark and handsome para i-describe siya. Richard Gomez, yun ang asar sa kanya ng Nanay niya. 4th year si Francis noon, kumukuha ng Civil Engineering sa TUP. Pero sa totoo lang, medyo may problema sa ugali tong si Francis, maangas, yan ang description sa kanya ng ibang tao kapag tanungin mo. Mayabang, arogante, antipatiko. Pero kahit ganun ang image niya, nanalo pa rin siyang Governor ng College of Engineering. Kaya siya napasok sa USG, at kaya niya nakilala si Cheska.

Maganda si Cheska, matangkad, pang-beauty queen talaga. Maputi, maganda ang pigura, maaliwalas ang mukha, mahaba ang leeg, buo at makakapal ang labi, mapostura. Computer Science ang kurso niya. 1st year siya ng manalong Ms. Compass (pageant ng organization ng mga Com-Sci students). 2nd year, nanalong Ms. College of Science, tapos diretso sumali ng Mr. and Ms. TUP nang parehong taon. Medyo minalas siya sa question and answer kaya hindi nanalo. Isang complete headturner itong si Cheska, and she's not afraid to live up to that image. Maraming lalaki ang nanliligaw sa kanya, at magmula noong first year, marami-rami na siyang naging boyfriend, karamihan short-term relationships lang.

Anyway, balik tayo sa kwento, papauwi na sila Cheska noong time na yun, hinahatid siya ni Francis. Pa-north si Cheska, pa-south ang lalaki. Papaakyat sa station, tuloy-tuloy lang sa routine niyang pagkukuwento ang binata. Kwento tungkol sa klase, sa freshmen orientation, sa DOTA.

"Sigurado ka hindi na kita ihahatid?" tanong ni Francis pagkarating sa taas.

"Huwag na," sagot ni Cheska, nakasimangot at iritable ang mukha nito.

"Ano ba problema mo? Kanina pa kita tinatanong ayaw mo namang magsalita." Di mo malaman kung galit o ano itong si Francis.

Tiningnan lang ni Cheska ang boyfriend sa mukha. Stern at cold na tingin, may kasama pang pagkiskis ng ngipin na parang may nginunguyang bubble gum. "Gusto ko nang makipag-break."

"Ano?" Natatawang tanong ni Francis. "Nagjo-joke ka ba?"

"Mukha ba kong nagpapatawa?" Lalong nainis si Cheska sa sinabi ng binata.

"Bakit?" Sumeryoso na ng onti ang expression ni Francis, na parang nage-gets na niya.

"Ayoko na. Sawa na ko."

"Yun lang?"

"Eh bakit ano pa bang dahilan ang gusto mo?" Pabulong na pasigaw. Medyo naiinis na si Cheska sa inaasal ng boyfriend pero ayaw niyang gumawa ng eksena, wag dito, wag sa LRT. Maraming tao, may mga taga-TUP, yung iba mukhang kilala pa siya.

"Bawiin mo yang sinabi mo."

"Hindi. Sige na, bye." Tumalikod si Cheska, naglakad papunta sa turnstile, nang hablutin ni Francis ang braso niya. "Ano ba, masakit!!"

"Hindi ka pwedeng makipag-break sa kin."

"Tama na please. Wag kang mag-iskandalo dito, nakakahiya. Ayoko na, ok? Tapusin na natin to, hindi na ko masaya. Na-realize ko, hindi pala kita mahal. Bitiwan mo na ko, pwede?" Kinalas ni Cheska ang kamay at dali-daling pumasok sa platform.

Napatayo at napatanga si Francis sa nanyari. Hindi pa agad nag-sink in sa utak niya lahat. Ilang segundo pa, natauhan siya, nakita niya si Cheska, papasok sa loob ng tren, mabilis syang kumilos patakbo para sundan ito. Kaso wala siyang card, wala na siyang oras para bumili. Sa pagmamadali, tinalunan niya ang turnstile, pero inawat siya ng guwardiya.

Ayaw magpapigil ni Francis, sinisigaw ang pangalan in Cheska, may dumating pang isang guard at pinagtulungan nang awatin ang binata.


***

Palipat-lipat si Mrs. Rellente mula sa pagsilip sa bintana at pagtingin sa wall clock. Quarter to eleven na, wala pa ang anak. Hindi naman ganito ang binata, madalas nagtetext yun kapag gagabihin. Tinatawagan niya pero patay ang cellphone.

"Baka naman nasa mga kaibigan." Ang pag-aalo ni Mrs. Corpuz. Alas-kuwatro pa sila ng anak nitong si Andrea nasa bahay nila Mrs. Rellente, una para dalawin na ang inaanak nitong may 7 years na rin atang di nakikita, at para ipagbilin na rin ang anak.

"Hindi ko rin makontak mga kaklase niya eh." Sagot ni Mrs. Rellente. Matagal nang magkumare ang dalawa, ninang ng anak niya si Mrs. Corpuz at ninang naman siya ni Andrea. Seven years ago nang lumipat sila sa Maynila galing sa Marinduque. Mula noon, bihira na lang sila magsulatan, pero hindi naman sila nagkalimutan. Nitong linggo lang, aksidenteng nagkasalubong and dalawa sa Divisoria, nagulat sila, hindi nila inaasahan.

First year College na pala si Andrea, at sa Maynila siya mag-aaral. Hinatid lang ito ni Mrs. Corpuz para humanap ng dormitoryo o bedspace.

"Bakit hindi ka na lang sa 'min tumuloy", alok ni Mrs. Rellente kay Andrea, "tutal, dalawa na lang naman kami ng anak ko, may ekstrang kuwarto pa naman sa bahay, dun ka na lang, hindi pa kayo gagastos."

"Nakakahiya naman sa 'yo kumare", sagot ni Mrs. Corpuz.

"Hindi, ano ka ba, hindi na rin naman na iba tong si Andrea sa 'kin", wika ni Mrs. Rellente, "tsaka naku matutuwa yung kababata mo na yun, matagal din kayong di nagkita di ba?" Sambit nito sa dalaga.

Dalagang Filipina, yan ang bagay na description kay Andrea, hindi katangkaran, morena ang kutis, pero hindi maitim. Medyo mukhang mataray ang malapad na mukha, at may mangilan-ngilang peklat ng tigyawat, pero kita mo ang kagandahan. Walang exceptional sa itsura, pero kapansin-pansin pa rin. At siyempre, dahil laking probinsya, simple lang kung manamit at kumilos.

Nung gabi ngang yun, nagpunta sila Andrea at ang Nanay nito sa bahay nila Mrs. Rellente, dala dala na ang gamit, napagkasunduan nang dito titira si Andrea hanggang maka-graduate ng kursong Computer Education. Excited na excited si Mrs. Rellente, akala mo dalagang dinalaw ng manliligaw, pero nawala ito nang lumalim na ang gabing hindi pa umuuwi ang anak.

"Kung inaantok na kayo, sige, akyat na kayo sa kuwarto. Kailangan ko na ring mag-impake ng gamit at bukas na ang alis ko." Wika ni Mrs. Rellente. Sinamahan niya ang mag-ina papasok sa kanilang kuwarto, na dating kuwarto ng katulong.

Siya rin namang pasok niya sa kanyang kuwarto. Maya-maya pa'y narinig na niyang bumukas ang gate. Dali-dali itong tumayo at lumabas para salubungin ang paparating.

"Kiko! Bakit ngayon ka lang anak, ha?" Maamong tanong sa bagong pasok.

Wasted na wasted ang itsura ni Francis, amoy suka ang uniform na suot, gulo ang buhok, at humahalimuyak ang simoy ng Emperador sa hininga. Hindi ito nagsalita at dire-diretsong pumasok sa kuwarto nito.

"Kiko! Anong nangyari anak?"

Na-alert sila Andrea kaya't idinungaw ang ulo sa labas ng kuwarto at nadampihan ng tingin si Francis.

Haaay, si Kiko. Na kung tawagin nung bata sila eh Kiko-batsoy dahil sa taba nito. Si Kiko na iyakin, si Kiko na Mama's boy, si Kikong gusgusin. Si Kiko, ang kanyang first love.

Sabay lumaki sila Andrea (Ye-yang) at Francis (Kiko). Palibhasa'y magkatabi ng bahay, kaya palagi silang magkasama. Mas matanda ng tatlong taon si Francis sa kanya pero mas matured siya kesa dito. Mas nauna rin siyang nag-dalaga (na kakatwa kasi yung tangkad niya nung naghiwalay sila 7 years ago, eh yun pa rin ang tangkad niya ngayon, nadagdagan lang ng onti) Noong mga panahong yun, tabain pa si Francis kaya palagi itong inaasar ng mga kalaro, sabay dating naman ni Andrea para ipagtanggol ito. Mataray siya nung bata, kaya takot ang mga ito sa kanya. Tapos ihahatid niya si Francis, yun ay after niya itong patahanin.

Kahit ganun sila nung mga bata, alam ni Andrea, sa loob-loob niya, na si Francis ang lalaking pakakasalan niya. Hindi niya alam kung paano niya naramdaman, marahil ay impluwensya na rin siguro ng sobrang panonood ng Click o G-Mik, pero basta alam niya, sigurado siya, 100 percent sure. Kaya nangako siya sa sarili na aalagaan niya si Kiko sa abot ng kanyang makakaya.

Kaso, mabilis ang mga sumunod na taon. Umuwi galing Saudi ang Tatay ni Francis, at nagdesisyon ang pamilya Rellente na sa Maynila na manirahan. Isang mabilis na paalamanan, at hindi na ulit sila nagkita. Fast forward, seven years later, 2009, eto na, nagkita na sila ulit.

OJT Epilogue

<<<ANG SIMULA NG KUWENTO               
<<<ANG HULING KAGANAPAN



Umalingawngaw ang tawa ni Tanya sa buong hallway. Maingay, hindi magkaintindihan ang mga tao, pero hindi na nagpagtinag ang magkakaibigan sa pagkukuwentuhan. Ito na ang huling sandali na magkakasama silang tatlo bilang mga estudyante.

Isang oras na lang at magsisimula na ang ceremony. Nakasuot na ng toga sila Charmaigne at Tanya, habang si Cecil ay nagre-retouch, palibhasa'y kararating lang at inuna pang makipag-dramahan kesa ang mag-ayos.

"Seryoso, mami-miss ko talaga kayo... ", mangiyak-ngiyak na sabi ni Cecil.

"Oo na, paulit-ulit! Ha ha ha!", bulalas ni Charmaigne. Sabay na naghagikgikan ang tatlo, "Magkikita-kita pa rin naman tayo, ano ka ba. Tama na nga yan, matatanggal na naman yang eye liner mo."

"Oo nga, tama na ang drama, dapat nagse-celebrate tayo!" wika ni Tanya.

"Tomoh! Sige na, isuot mo na yang toga mo para makapag-picture picture na tayo! Dali!!", excited na sinabi ni Charmaigne. Inilabas ng dalaga ang toga ng kaibigan mula sa paper bag na dala nito. Inalis sa pagkakatupi at akmang iniabot kay Tanya nang bigla siyang tawagin ng isa nilang kaklase."

"Charmaigne, may naghahanap sa 'yo", sigaw ng bagong dating.

"Ha? Asan?", tanong ng dalaga.

"Andun sa may entrance."

"Sino?"

"Boss mo daw. Max Perez."

Napanganga si Charmaigne sa narinig na pangalan. Max Perez. Max. Pano nya makakalimutan ang pangalan na yun. Maiksi pero unique. May ilang segundo siyang napatigil sa kinatatayuan na parang computer na nag-hang at di ma-process ang narinig na mga kataga.

Max.

2 weeks ago ng kontakin ni Max si Jojo gamit ang Facebook. Nabalitaan kasi ng una na malapit na ang graduation ng batch nila Charmaigne. Nang tanungin ni Jojo kung bakit siya ang kinontak nito at hindi si Charmaigne, "I want to surprise her" lang ang naging sagot ni Max. Sinabi ni Jojo kay Max kung anong oras at kung saan ang venue ng graduation nila, at kanina nga lang, tinulungan niya si Max na makapasok sa loob.

"Its nice finally meeting you. Palagi kang kinukuwento ni Charmaigne", bati ni Max.

"Ah, talaga. Ikaw din, palagi ka niyang kinukuwento". Napaligiran ng katahimikan ang dalawa, kahit na di magkamayaw ang mga tao sa pagpasok at paglabas sa venue. "Habang wala pa si Charmaigne, may, gusto nga pala muna akong sabihin..."

Dinukot ni Jojo mula sa bulsa ng kanyang pantalon ang isang nakatuping yellow paper, binuksan ito, lumunok ng kaunting laway, sabay binasa, "5 things you have to know about Charmaigne."

Napatingin si Max sa binata, daglit ibinaba ang kamay kasama ang hawak nito. Nabanaag ang interes sa mga mata niya at inilapit ang ulo para marinig ang babasahin ng kausap.

"Number 1, mahilig siyang kumain," pagpapatuloy ni Jojo, na ini-angat na ang ulo at kinausap ng diretso si Max. Mata sa mata, lalaki sa lalaki, "kahit hindi halata sa katawan, matakaw yan. Pag kumakain sa labas, order niya lagi manok, tapos humanda ka nang kumuha ng extra gravy. Sa Pinoy food naman, paborito niya Sisig, pero sumasakit ang ulo niya kapag kumakain ng Sisig, kaya kailangan mo siyang pagbawalan kumain nun. Mas gusto niya ang Carbonara o Lasagna kesa Spaghetti, ayaw niya ng Pizza na puro gulay, at kapag umorder kayo ng halu-halo, ipatanggal mo yung pinipig, ayaw niya nun.

"Number 2, mahilig siyang mag-videoke. Kahit medyo sintunado, tsaka ganun yung boses niya, hindi mo mapipigilan yan kapag hawak na niya ang mic. Mga kanta ni Taylor Swift ang hilig niyang kantahin, minsan mga tagalog, MYMP, Moonstar, or mga E-heads. Ayaw niya sa rap tsaka hip-hop, maliban na lang kung dance music. R 'n B, medyo lang. Pero kahit nababaduyan siya sa hip-hop, gustung-gusto naman niyang nanonood ng Fliptop sa internet, kwela kasi.

"Number 3, palagi siyang napupuyat sa pagbabasa tsaka sa pagi-internet, o sa panonood ng anime tsaka mga Koreanovela. Madalas inaabot na yan ng madaling araw, kaya kailangan mo pa siyang i-text para paalalahanan na matulog na. Minsan alas-tres ng umaga, online pa yan sa Facebook, pag ganun, pagalitan mo na. Paborito niyang anime, Nodame Cantabile, paborito niyang Koreanovela, Full House.

"Number 4, asarin mo na siyang baluga, pandak, pero wag na wag mo siyang aasaring mataba. Ewan ko ba, hindi naman siya ganun kataba talaga, pero, napipikon siya, kaya wag. Masarap kasama si Charmaigne, kwela, kalog, masayahin, hindi yan mangingiming makipagsabayan sa asaran, pero oras na tawagin mo siyang mataba, all hell will break lose.

"Number 5. Tuwing nakikita ng ibang tao si Charmaigne, ang impression ng iba, malakas siya, matapang, astig. Pero hindi. Babae lang din siya, mahina, umiiyak, pero hindi yun nakikita ng iba kasi magaling siyang magtago. Pero ako nakita ko. Napaka-fragile ng puso ni Charmaigne, kaya.." hindi tinuloy ni Jojo ang sasabihin. Tiniklop ang papel, ibinulsa, saka muling humarap kay Max.

"Mayabang ako kung sasabihin kong kilalang-kilala ko na si Charmaigne, pero yun ang totoo. Alam ko lahat, mula sa bilang ng bulok niyang ngipin hanggang sa amoy ng utot niya, lahat. Nakita ko na siyang tumawa, umiyak, magalit, mag-break down, nakita ko na siyang na-broken hearted. Wala siyang inilihim sa kin.. pero ako meron akong nilihim sa kanya. Mahal ko si Charmaigne."

Parang hanging pang-Disyembre ang lumabas sa mga bibig ni Jojo, marahan kung umihip pero tagos hanggang buto ang lamig. Mahal ko si Charmaigne. Isang pangungusap na noon lang niya nabanggit. Pangungusap na initago niya sa kasuluk-sulukan ng kanyang dibdib sa loob ng sampung taon. At ngayon, binanggit na niya ang mga katagang ito, ngunit sa taong hindi niya inaasahang pagbabanggitan niya. Mahal ko si Charmaigne. Mahal. Mabigat na mga salita. At ngayong nasabi na niya at naamin na niya sa kanyang sarili, wala nang bawian.

"Mahal ko siya higit pa sa isang kaibigan."

"Bakit sa akin  mo sinasabi yan?" pagtataka ni Max.

"Dahil walang dahilan para sabihin ko sa kanya."

"She has the right to know."

"Sinabi ko sa 'yo dahil gusto kong malaman mo na may isang taong handang gawin lahat, maging masaya lang siya", nangingilid ang mga luha sa mata ni Jojo pero pinipigilan niya, "I want you to see her worth, so that you won't take her for granted", dugtong niya, na may diin sa bawat salita habang idinuduro ang daliri sa kausap.

"Look, I...", hindi makahugot ng sasabihin si Max. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Hindi niya alam kung hahanga siya o mumurahin ang kausap. Nagpapakatanga ba ang lalaking to? Kung mahal niya, bakit hindi niya ipaglaban? Seryoso ba siya sa mga sinabi niya? O nagpapaawa lang para itigil na niya ang pag-pursue kay Charmaigne? Naguguluhan siya.

"Lagi nila siyang sinasabihan na nasa kanya na lahat na para bang perpektong babae si Charmaigne. Pero hindi siya perfect, kaya sana, mahalin mo rin pati ang mga imperfections niya, dahil ako, minahal ko yun lahat." Pagtatapos ni Jojo. Hindi na niya hinintay na makasagot ang kausap, tumalikod na ito at nagsimulang lumakad palayo.

"Tell her, please...", pahabol ni Max.

"Masaya na siya eh," ang hindi lumilingong tugon ni Jojo, "natupad na ang pangarap niya, ayoko nang guluhin pa ang isip niya. Mas mahalaga ang kaligayahan niya kaysa sa kaligayahan ko," dugtong pa niya. Humakbang na siya palayo at nasama sa lumpon ng mga taong palakad-lakad sa pasilyo, nang isang pamilyar na boses ang nagpitigil sa kanya.

"Jo! Bespren!"

Tumingala si Jojo at tiningnan ang pinanggagalingan ng boses. Narito, papalapit sa kanya ang babaeng kahit kailan ay hindi maaaring maging kanya. Ang kaibigan na mananatiling kaibigan. Ang taong may tinig na kayang bumuhay at pumatay sa kanyang kamalayan.

"Andito si Sir Max," ang excited na bulalas ng dalaga, "halika dali, ipapakilala kita.."

"Nagkausap na kami. Kanina ka pa niya hinihintay." Malamig ang naging sagot ni Jojo, na umiiiwas tingnan sa mata ang kausap.

"Ha? Paano..." Hindi na natapos ni Charmaigne ang sasabihin dahil bigla na siyang niyakap ng binata.

"Mami-miss kita," ang mangiyak-ngiyak na bulong nito. "Mami-miss ng sobra."

Napaluha na lang si Charmaigne sa narinig. Kanina pa niya sinasabi sa sarili niya na hindi siya iiyak sa araw ng graduation. Kanina pa siya nagpipigil nang nagsimulang umiyak si Cecil pagkarating nito, kaya dinaan na lang nila ni Tanya sa tawanan. Ayaw niyang umiyak dahil para sa kanya, wala namang dahilan para umiyak. Ang graduation ay hindi isang pagwawakas, kundi isang bagong simula. Wala naman talagang matatapos, hindi ang pagkatuto, at lalong hindi ang pagkakaibigan. Kumbaga, parang lilipat lang naman sila ng classroom, at magpapalit ng section, pero walang magbabago. Pero nang yakapin siya ni Jojo, may bola ng holen namuo sa likod ng kanyang lalamunan.

Ayaw niyang umiyak, pero narito ang bestfriend niya, na nakasama niya ng apat na taon, sa saya, sa lungkot, sa mga overnight, sa mga project, sa thesis, sa iyakan tuwing kuhaan na ng grade, sa pagre-review tuwing may exam, sa kaba tuwing may recitation, sa pagkokopyahan ng assignment, sa lahat lahat ng pinagdaanan niya ng College. Narito, umiiyak habang kayakap siya. Si Jojo, ang taong pinaka-komportable siyang kasama, higit pa sa mga kabarkada niyang sila Tanya at Cecil. Ang taong pinagsasabihan niya ng mga sikreto, ang pinagkukuwentuhan tungkol sa mga crush niya, ang unang tinatawagan kapag tinotopak ang computer niya sa bahay, ang tinatakbuhan kapag ayaw mag-compile ng program na ginagawa, ang hinihingan ng payo kapag may bagong manliligaw, ang lalaking palaging nagpapatawa sa kanya kapag bad trip siya. Umiiyak ngayon si Jojo sa harap niya, na sa apat na taon ay ngayon lang niya nakitang ginawa nito. Umiiyak si Jojo, kaya wala siyang karapatang hindi umiyak.

"I love you", mahinang ibinulong ni Jojo, umaasa na huwag marinig ng dalaga.

"I love you din bes...", sagot ni Charmaigne, sabay bitaw sa pagkakaakap ni Jojo. Tiningnan niya ang kaibigan sa mga mata, at pinunasan ang mga luha nito sa pisngi, "You're the bestest bestest bestest best bestfriend in the whole wide world!" Turn naman ni Charmaigne para umakap kay Jojo, sabay gewang ng mga katawan na parang mga batang naglalaro. "Bestfriend forever ha, kahit hindi na tayo palaging magkakasama. Pramis mo yan ha..."

Naglabas ng grunt si Jojo na tunog oo. Hinintay niyang bumitaw ang dalaga, nagpunasan ng mga luha, nagbungisngisan sandali, sabay paalam, "Sige, hinahanap na ko nila Lola."

Lumakad si Jojo palayo, hindi lumilingon, habang pinagmamasdan siya ni Charmaigne. Nang makalayo ay nagpatuloy sa paglalakad and dalaga patungo sa pupuntahan, hinahanap si Max sa bawat tingin. Nakita na niya ito kanina, o parang, bago sila magkasalubong at mag-usap ni Jojo. Pagkatapos ay bigla itong nawala sa kinatatayuan nito. Lumingon-lingon siya sa paligid, pero hindi niya makita. Asan na yun, tanong niya sa sarili. Totoo bang siya yung nakita niya kanina o namamalikmata lang siya. Baka naman pinagti-tripan lang siya ng mga kaklase. Daglit pinanghinaan ng loob ang dalaga, napaisip. 10 months mula nung huli silang nagkausap. Sinong niloloko niya? 10 months nang walang komunikasyon? Sino ang tatagal ng ganun? Sa loob ng sampung buwan, Facebook profile ni Max ang palagi niyang unang tinitingnan. Inaabangan kung kelan ito mag-iiwan ng message, o magla-like sa post niya, o magko-comment, nagdadasal na wag sana itong magpalit ng relationship status. Pero wala. Sampung buwang hindi nagparamdam sa kanya ang lalaking nangakong hihintayin siya, napakatanga naman niya para umasa.

"Hello Charmaigne," nagliwanang na parang bisperas ng pasko ang mukha ng dalaga. Kilala niya ang boses na yun. Kahit napakatagal na niyang hindi narinig, hindi niya yun makakalimutan. Tumalikod siya at lumantad sa kanya ang isang bouquet ng roses na iba't ibang kulay. "I don't know you're favorite colour so I'm playing on the safe side here. There's pink, red and whit-"

"Anong ginagawa mo dito?" ang winika ng dalaga. Mataas ang tono sa dulo ng 'dito', parang batang nagtatampo.

"I told you I'd wait, right? Remember?" ang naging sagot ng binata.

"I'll wait mo mukha mo, hindi ka nga nagte-text, alam mo naman number ko di ba? Ni hindi ka nagparamdam sa Facebook, sa Skype lagi kang invisible, ano kaya yun?" panunumbat ni Charmaigne.

"I don't wanna bother you. Plus, I respect your need to focus on whatever it is you need to focus on to... Pero binati kita nung birthday mo ah.."

"Kelan? Saan? Wala naman eh."

"On your blog."

"Ikaw si Anon? Ikaw si Anonymous?"

"Maybe", sabay kibit ng balikata, "maybe not, I don't know..." habang inaaabot ang bouquet ng roses sa dalaga.

Kinuha ito ni Charmaigne, chineck ang mga bulaklak habang muling nangilid ang mga luha sa mata, sabay akmang ihahampas ang mga bulaklak kay Max, "Nakakainis ka!! Nakakainis ka!!"

"Bakit na naman?", anyong sasalagin ang gagawin sanang panghahampas ng dalaga. Pero hindi naman niya ito itinuloy, sayang din yung bulaklak ah.

"Basta, nakakainis ka. Nakakainis ka!" nanggigil na sigaw ni Charmaigne, hindi na natigil sa pagbuhos ng mga luha sa mata nito. "Tinext ko sila Ate Lyka, sabi nila nag-resign ka na daw sa Nautilus, wala na daw silang balita sa 'yo. Sabi nag-abroad ka daw, sabi nag-asawa, sabi nagkabalikan daw kayo, hindi ko na alam kung ano paniniwalaan ko. Tapos babalik ka, tapos sasabihin mo na naghintay ka, tang ina mo pala eh!" Tuluyan na siyang nalunod sa mga sinabing salita. Ibinuhos na niya ang mga pagtatakang matagal nang kumukulo sa dibdib niya.

"I resigned, kasi gusto kong ituloy yung photography. Just like you suggested. Nag-take ako ng crash course, I'll be opening a studio by August. I've also finished reading your Bob Ong books, actually, matagal ko nang natapos. Sorry kung hindi ko nasoli bago ka umalis."

Parang walang narinig si Charmaigne. Patuloy lang siya sa pag-iyak. Lumapit si Max, ininunat ang kamay para hawakan at aluhin ang dalaga, pero pumalag ito. "Wag mo kong hawakan, wag mo kong akapin! Nakakainis ka!"

Humakbang paatras si Max, pinagmasdan ang minamahal. "I'm sorry."

Nagpunas ng luha si Charmaigne, ini-angat ang ulo, tiningnan sa mukha ang kaharap. Bakit nga ba niya ba minahal tong lalaking to, tanong niya sa sarili. Tumingin siya sa mga mata ni Max, at muli niyang naalala ang dahilan. Napakagat siya sa labi, lumunok ng layaw at biglang inakap ang binatang 15 inches ang tangkad sa kanya.

Hinaplos ni Max ang buhok ng dalaga. Gabi-gabi niyang ini-imagine kung ano ang pakiramdam nang kaakap si Charmaigne. Matutulog na lamang siya, papasok pa sa isip niya ang mukha nito, ang ngiti, ang mata, maririnig ang boses. Bubuksan ang computer, magtata-type ng message sa Facebook pero hindi itutuloy. Bubuksan ang Skype at limang minutong tititigan ang profile bago magsulat ng mensahe, pero hindi pipindutin ang enter. Kukunin ang cellphone, magte-text pero hindi ise-send. Gabi-gabi, ganito palagi ang ginagawa niya.

"Salamat", ang naging sabi ni Charmaigne, idinikit ang tainga sa dibdib ni Max at pinakinggan ang tibok ng puso nito. "Salamat sa paghihintay."

Salamat.





At last, I've finally finished the real ending. Thank you for reading again. And thank you to the "real" Charmaigne, Max and Jojo for convincing me to finish this story. Thank you for "reopening" my mind. I enjoyed writing it, mainly because some reader pressures me every week to write, and I can say, it kinda helped, without that, OJT might have ended unfinished again. Thank you for the people who patiently reads my story, I truly appreciate it.

Anyway, since the OJT story is done, I have another story for you. Of course, its another love story, and I hope you enjoy reading as much as OJT. Oh, and I'm back to prose by the way.

Here's a link to my new story titled "Train"

OJT Special (To Die At The Hands of Your Own Creation)

<<<ANG KWENTO...


--__--: Marvin!
Ako: Fuck, shit! Ginulat mo ko...
--__--: ...
Ako: Max?
Max: You recognized me, buti naman.
Ako: Tang ina, panong di kita makikilala... Teka, anong ginagawa mo dito? Paano ka nakalabas?
Max: Do you wanna hear what I came here for o gusto mong i-explain ko pa sa 'yo kung paano ako nakalabas?
Ako: What? Teka, tae, pati ako napapa-Ingles sa 'yo.
Max: I have something to tell you...
Ako: Ano?
Max: Fuck you!
Ako: Fuck you ka rin! Tang ina, lumabas ka lang para murahin ako, gago ka pala eh...
Max: Well, fits you right.
Ako: Teka, ano ba atraso ko sa'yo?
Max: May utang ka.
Ako: Utang? Ako?
Max: May utang kang ending.
Ako: Ending?
Max: Kailangan mong tapusin yung OJT.
Ako: Ha? May ending na ah, di mo ba nabasa?
Max: You don't call that thing ending, the terms frustration or insecurity would have fit better.
Ako: Anak ng tokwa naman Max, 12 years ka lang sa Tate, alam ko marunong ka mag-Tagalog, wag mo na nga akong banatan ng mga pa-Ingles-Ingles mo, nakaka-nosebleed.
Max: Putang ina, hindi ending ang ginawa mo. Hindi gan'on gumawa ng kwento. Hindi masamang ibuhos mo ang frustrations mo, pero wag mong paabutin sa lebel na idadamay mo pati mga characters mo. Yes, we know you don't want to believe in happy endings, but don't you think we deserve one?
Ako: Teka, teka, umpisa pa lang, malinaw na sa 'kin kung anong gusto kong gawin, ok? Isang kwento na nasasalamin ang katotohanan. Realistic. Oo, may konting cheesiness, may mga over the top na kabaduyan, pero sa huli, gusto ko yung malapit sa nangyayari sa totoong buhay. Bakit, sa tingin mo ba talaga, pwede kayong magkatuluyan? May mga bagay na hindi pwedeng magkatotoo.
Max: Who the fuck are you para sabihin kung ano ang pwede sa hindi pwede? Diyos ka ba?
Ako: Oo! Sa mga kuwento ko, ako ang diyos. Ako ang nasusunod.
Max: Then you're a failed god. A loser. Selfish ka. Iniisip mo lang yung sarili mo. Akala ko ba gusto mong mang-entertain ng ibang tao, pero sa ginagawa mo, sariling entertainment mo lang ang ginagawa mo. Gusto mong magsulat ng mga ka-bullshitang relasyon, kasi ka-bullshitan ang mga naging relasyon mo. Gusto mo lang magsulat tungkol sa love na hindi pwedeng magkatotoo, kasi sa loob-loob mo, merong nagsusugimaw na love na gustong magkatotoo pero ayaw mong pagbigyan. Ayaw mong pagbigyan kasi natatakot ka. Ayaw mong pagbigyan kasi naduduwag ka.
Ako: Puta, ano bang alam mo tungkol sa 'kin?
Max: Fuck you, alam ko lahat. Wag mo nga akong gawing tanga, alam naman natin kung bakit mo sinulat tong kwentong to in the first place di ba?
Ako: Oo na! Sige, alam mo na lahat. Ikaw na ang magaling. Ikaw naman palagi ang magaling eh. Si Max na cool, si Max na classy. Guwapo ka, mayaman, tang ina, na sa 'yo na lahat ng bagay na wala sa 'kin. Oo na, ikaw na, the best ka eh, pucha...
Max: ...
Ako: Sige na, sabihin mo, ano bang ending ang gusto mo? Yung magkakatuluyan kayo?
Max: It's not for me to decide, besides, hindi ko yun kwento. Kuwento yun ni Charmaigne. I want what's best for her, and what makes her happy.
Ako: Putang ina, plastik mo tsong, wag mo nga akong daanin sa mga unconditional-bullshit-love na yan...
Max: Bakit, anong problema sa unconditional-bullshit-love? Ah, naalala ko na, dahil sa unconditional-bullshit-love na yan kasi, kaya ka single ngayon. Na pumayag kang iwan ka ng girlfriend mo dahil sa unconditional-bullshit-love na yan. Tangina, so yun pa rin pala ang issue dito? Na wala kang mapapala kung magmamahal ka na hindi humihingi ng kapalit. Na masasaktan ka lang. Fuck, asan na yung "don't let negative forces change the way you look at life" mo? Ha?
Ako: Ikaw ang nagsabi nun, hindi ako.
Max: Pero ikaw ang nagsulat.
Ako: Putang ina, ano ba kasing point mo?
Max: My point? Finish our God-damn-story! And start writing yours. And when I say write, I mean do something! Ano, makukuntento ka na lang na nakaupo d'yan, nakatingin sa Facebook profile Niya maghapon, magta-type ng message tapos buburahin? Maghihintay ng limos na atensyon? Yun ba ang gusto mo?
Ako: Tang ina, wag mo na nga Siyang idamay dito! Hindi mo alam ang sitwasyon ko!
Max: Hindi nga ba? Sino ba ako? Diba ako ay ikaw, at ikaw ay ako?
Ako: Hindi ikaw ako, at hindi ako ikaw. Magkaiba tayo!
Max: Bullshit! Iniwan ng girlfriend para sa ibang lalake? Programmer? Frustrated photographer? Falling in love with somebody youn-
Ako: Hindi pa ako in love sa Kanya. Ok? At magkaiba tayo ng sitwasyon. 2 and a half years lang kami, 10 years kayo. At engaged na kayo.
Max: Binago mo lang para may drama. Para maka-emphatize ang mga readers.
Ako: Programmer? Napaka-common ng trabaho na yun. Ang daming programmer sa mundo. At hindi ko frustration ang photography.
Max: Yeah right...
Ako: At higit sa lahat, wala Siyang gusto sa 'kin. Pero alam naman nating lahat, at alam mo, nung umpisa pa lang na may gusto sa 'yo si Charmaigne. Nakita mo sa Facebook niya 'di ba? Wag mong sabihing hindi...
Max: Why does it matter? Does it really matter kung may gusto Siya sa 'yo o wala? Or you just don't want to risk?
Ako: Oo, ayokong mag-risk.
Max: Then, you'll die a frustrated man. And when that happens, you'll only have yourself to blame. Look, I don't care about your love life, ok? Bahala ka, buhay mo yan. But please, do finish the story, not for me, but for Charmaigne. She deserves a happy ending.



**__**: Huy!
Ako: Puta, Jojo, pati ba naman ikaw?
Jojo: Bakit, bawal ba?
Ako: Anong gusto mo? Ending din?
Jojo: Hindi, gusto ko lang magreklamo.
Ako: Reklamo saan?
Jojo: Sa ginawa mo sa 'kin.
Ako: Ano bang ginawa ko sa 'yo?
Jojo: ...
Ako: Jojo, minor character ka lang. Anong gusto mo, ikaw ang bida? Sige, gagawa kita ng sarili mong kwe-
Jojo: Minor character pero nag-focus ka sa backstory ko? Ano yun?
Ako: Gusto ko lang bigyan ng justification kung bakit ka ganyan. Sinulat ko yun para maintidihan ka nila.
Jojo: Bakit gusto mong maintindihan nila ako?
Ako: Kasi walang umiintindi sa 'yo.
Jojo: Walang umiintindi sa 'kin o walang umiintindi sa 'tin?
Ako: Sino pa bang mas nakakaalam kung paano ma-in love sa bestfriend kundi ako?
Jojo: Kaya mo ba ako ginawa?
Ako: Siguro.. Nakikita ko kasi ang sarili ko sa 'yo.
Jojo: Pero tsong, hindi eh. Magkaiba tayo. Ikaw nagawa mong magtapat, ako hindi.
Ako: Kasi di kita pinayagang magtapat.
Jojo: Ano?
Ako: Ayokong matulad ka sa 'kin. Nawalan na nga ng girlfriend, nawalan pa ng bestfriend, tangina ang sakit nun ah.
Jojo: Pero anong naging kapalit? Ginawa mo kong tuod. Mula simula hanggang katapusan wala man lang akong character development. Naging stagnant ako. Walang pinagbago. Duwag na ninakawan ng lakas ng loob. Sabagay, ano pa bang aasahan ko, eh duwag din ang gumawa sa 'kin.
Ako: Andito ka lang ba para insultuhin ako?
Jojo: Oo, kasi ininsulto mo ko. Ininsulto mo ang pagkatao ko. Hindi mo ko binigyan ng pagkakataong ipaglaban yung nararamdaman ko. Hindi mo ko binigyan ng pagkakataong ipakita sa kanya kung gaano siya kahalaga sa 'kin. Sa huli, naging palamuti lang ako sa kwento niya, sa kwento nila. Poste na sinasabihan lang ng mga problema, walang karapatang mag-advice, walang karapatang magsalita.
Ako: ...
Jojo: Sabi mo ayaw mong matulad ako sa 'yo, sige salamat, ang bait mo, pero anong ginagawa mo sa sarili mo ngayon? Ikaw naman ang tumutulad sa 'kin.
Ako: Putang ina, ano bang gusto nyo? Ano bang gusto mo?!?
Jojo: Closure, gusto ko ng closure.
Ako: Paanong closure?
Jojo: Hindi ko din alam, ikaw ang writer, ikaw ang mag-isip. Basta, ayoko ng ganun. Binabasa ko buhay ko, natatawa ako na naiinis. Napapamura na lang ako, tang ina bakit wala akong ginawa? Tatlong taon, wala akong ginawa!
Ako: Bakit, sino ba nagsabi sa 'yo na wala kang nagawa? Sa tatlong taon na yun, kapag may problema si Charmaigne kanino siya lumalapit? Kapag umiiyak siya kaninong balikat ang sinasandalan niya? Kapag naiinis na siya sa nangyayari sa paligid niya, kanino niya binubuhos ang frustrations nya? Hindi ba sa yo? You've done enough! Ano pa bang gusto mong gawin na hindi mo pa nagagawa? Gusto mo malaman niya na mahal mo siya? Alam na niya yun. Hindi mo na kailangang sabihin. Anong tingin mo sa kanya, manhid?
Jojo: Hay naku, ewan ko sa yo... Puta, akala ko naiintindihan mo ko.
Ako: Naiintindihan kita.
Jojo: Hindi mo ko naiintindihan, sa parehong paraan na hindi mo naiintindihan ang sarili mo. Hindi mo maintindihan kung anong kinakatakot mo. Hindi mo maintindihan kung bakit, sa dinami-dami ng babae, Siya pa. Hindi mo maintindihan kung bakit isang araw, habang iniiyakan mo yung ex mo, napatingin ka na lang sa litrato Niya, tapos may naramdaman kang kakaiba. Hindi mo maintindihan kung bakit ang tagal-tagal na Niyang nasa friend's list mo, pero noon mo lang Siya napansin. Hindi mo maintindihan kung bakit gustung-gusto mo Siyang makausap. Hindi mo maintindihan kung bakit ka gumawa ng kung anu-anong paraan para makita mo Siya. Hindi mo maintindihan kung bakit, kahit ilang beses ka nang nakaramdam ng ganyan, eh hindi mo pa rin maintindihan kung bakit hindi mo maintindihan.
Ako: ...
Jojo: Hindi mo maintindihan kasi ayaw mong subukang intindihin. Ayaw mong pakawalan d'yan sa dibdib mo. Alam ko kung anong pakiramdam. Alam ko ang pakiramdam kung paanong mabuhay araw-araw na may butas sa dibdib.
Ako: Anong gusto mong gawin ko?
Jojo: Wag mong pigilan. Wag kang matakot magmahal.
Ako: Pero...
Jojo: Hindi naman kailangang mahalin ka rin Niya eh. Ikaw ang issue dito. Ang mahalaga naman sa bandang huli eh, nagmahal ka. Yun lang ang makakapuno d'yan sa kakulangan na naglalagi sa dibdib. Hayaan mo na kung hindi ka mahalin, hindi naman yun ang mahalaga sa buhay eh. Ang mahalaga eh kahit anong ibato sa 'yo ng mundo, hindi ka nagpatinag, hindi ka tumigil sa pagmamahal.
Ako: Bilib din ako sa'yo. Ganyan ba ang mentality mo kaya kinaya mo yung tatlong taon?
Jojo: Kaya mo kinaya ang limang taon. Nakalimutan mo na ba? Gaya ng ginawa mo, binigay ko kay Charmaigne lahat, at kuntento na ko dun.
Ako: Yun naman pala eh, eh anong closure ang hinihingi mo?
Jojo: Internal closure. Bago ko maayos ang issue ko sa kanya, kailangan ko munang maayos ang issue ko sa sarili ko.



Ako: Charmaigne! Alam kong and'yan ka rin, lumabas ka na.
Charmaigne: Ha ha! Pano mo nalaman?
Ako: Duh!
Charmaigne: Ha ha ha!
Ako: Oh ano namang problema mo?
Charmaigne: Problema? Wala akong problema, ang saya-saya ko nga eh.
Ako: Echos mo. Huli kitang nakita umiiyak ka.
Charmaigne: Pinaiyak mo kasi ako.
Ako: Ikaw ang nagpaiyak sa sarili mo. Ikaw at ang mga desisyon mo sa buhay.
Charmaigne: Ako nga ba talaga? Oh ang maling pagkakakilala mo sa 'kin?
Ako: Ha?
Charmaigne: Una, hindi ako NBSB. May lima akong boyfriend nung High School no.
Ako: Sabi mo wala.
Charmaigne: Sabi ko lang yun, naniwala ka naman. Pangalawa, di ako kasing bait kagaya ng isinulat mo. Tao rin ako, may mga sarili akong kagagahan, kapilyahan, katangahan, kalandian, kabobohan, katarantadahan. Hindi ako perpekto, umuutot ako, nangungulangot, naglalaway kapag natutulog, at tinatamad maligo paminsan-minsan. Ang hirap kasi sa inyong mga lalake, tinitingnan n'yo lang kaming mga babae sa paraang gusto ninyong makita. Binubulag n'yo ang sarili sa impression na, "ah eto na yung babaeng hinahanap ko, nasa kanya na lahat". Pilit nyong pinapaniwala ang sarili nyo na perpekto kami, kaya konting kibot lang namin, nagugulat kayo, nagagalit, sasabihin na "ang hirap intindihin ng mga babae". Masyado n'yo kaming nilalagay sa pedestal, kaya hindi kayo makapaniwala kapag umuwi kaming nakatapak ng tae sa kalye. Hindi kami dyosa o anghel o prinsesa na gaya ng sinusulat nyo sa mga tula at kanta nyo. Babae kami. Nasasaktan, nadi-disappoint, nare-reject, nagmamahal sa taong di rin kami kayang mahalin. Ang akala nyo kayo na lang lagi ang bigo. Kayo lagi ang niloloko.
Ako: Hindi totoo yan. Kayo kaya ang ganyan. Di ba kayo nga ang may linya na "mga lalake talaga pare-pareho"
Charmaigne: Sige nga, bakit galit na galit ka sa ex mo? Inisip mo kasi na perfect siya. Na hindi nya gagawin sa yo yung ginawa nya.
Ako: Hindi ako galit sa kanya.
Charmaigne: Utot mo! Bitter, galit, pareho lang yun. Hindi mo matanggap na nagkagusto siya sa iba. As if naman hindi pa nangyari sa yo yun dati. Pero nung nangyari na sa ex mo, hindi mo matanggap. Double standard ka boy?
Ako: Tanggap ko naman eh.
Charmaigne: Talaga lang ha... Teka nga, mabalik tayo sa usapan... Asan na nga ba ako?
Ako: Yung pagkakakilala ko sa'yo.
Charmaigne: Ah, oo. Ayun. He he!
Ako: So ibig sabihin, mali ang mga sinulat ko?
Charmaigne: Hindi naman. Tama naman yung iba. Hindi, yung lahat pala, tama naman lahat, in fairness. Pero, hindi ko lang gusto yung ending. Masyado mo kong tinulak sa anino ng girl in your dreams na nawalan na yung sarili kong indentity. Inalisan mo ko ng karapatang maging masaya, kasi hindi ka masaya. Ayos ka din eh no, pati kami dinadamay mo sa ka-bitteran mo. Mag move-on ka na boy...
Ako: Naka-move on na nga ako, ang kulit!
Charmaigne: Ha ha ha!! Ok fine, sabi mo eh. Eh di kung naka-move on ka na, hayaan mo naman na akong maging masaya, pwede? Ilang beses na rin akong nasaktan, ilang beses nang na-reject, ilang beses nang ginago, gusto ko naman ng happy ending.
Ako: Ang dami ko pa palang hindi alam tungkol sa 'yo.
Charmaigne: Ha ha ha!! Sige, sa susunod ikukuwento ko sa 'yo para masulat mo din.
Ako: Ayoko namang ikaw na lang lagi ang bida sa mga kwento ko.
Charmaigne: Eh di wag!! Ha ha ha!!
Ako: ...
Charmaigne: Ano ba yang tingin na yan ha?
Ako: Ha? Ah, wala...
Charmaigne: Echos... wala daw...
Ako: Kamukhang-kamukha mo kasi Siya. Pati nunal, kuhang-kuha mo.
Charmaigne: Ha ha ha! Ganon? Wag mo kong masyadong tingnan, baka sa 'kin ka ma in-love.
Ako: Ngek...
Charmaigne: Pero, seryoso, wag mo kong tingnan, hindi ako totoo. Wag mo kong mahalin, Siya ang mahalin mo.
Ako: Parang masakit ata yang gusto mong gawin ko...
Charmaigne: Kailan pa naging masakit ang magmahal?
Ako: Kapag nagmahal ka ng taong hindi ka magawang mahalin.
Charmaigne: Paano mo naman nasabi na hindi ka magagawang mahalin?
Ako: Bakit, kung ikaw ba, magagawa mo kong mahalin?
Charmaigne: Bakit naman hindi?
Ako: Sus... Si Jojo nga...
Charmaigne: Ano?
Ako: Hindi, wala... Bakit ba ang mamanhid n'yong babae? Hindi ba kayo marunong makaramdam?
Charmaigne: Hindi kami manhid, ayaw lang namin mag-assume.
Ako: So ibig sabihin dapat...
Charmaigne: Dapat sinasabi. Kahit gabi-gabi ka pa mag-text, o magregalo ka ng kung aning-aning, o araw-araw kang magpapampam sa Facebook, kung hindi mo sasabihin, hindi magiging malinaw.
Ako: Pero di ba, "actions speak louder than words"?
Charmaigne: Oo, pero clarity beats audibility and removes ambiguity. Hindi porket malakas ang boses mo eh narinig ka na ng malinaw.
Ako: Ok. Salamat... Ngayon, ano nga ba ulit yung gusto mo?
Charmaigne: Happiness.
Ako: Ok. Mahal na mahal ka nun ni Max, kaya wag ka mag-aala, hihintayin ka n'ya. Bihira lang ang babaeng katulad mo.
Charmaigne: Bihira, kasi nage-exist lang naman ako sa utak mo. Ha ha ha ha!! Lilinawin ko lang ha. Dalawang happiness ang gusto ko, isang para sa 'kin, isang para sa 'yo.
Ako: Tang inang yan...
Charmaigne: Siyempre, gusto ko rin namang masaya ka.
Ako: Paano ba malalaman na masaya na ang isang tao? Kapag nakuha mo na yung gusto mo?
Charmaigne: Hindi nasusukat ang kaligayahan sa dami ng yong pera o sa ganda ng yong syota. Ang tunay na sukatan ng kaligayahan, eh kung gaano karami ang kaya mong ibigay na hindi humihingi ng kapalit.
Ako: Ano? Hindi ko gets.
Charmaigne: Kung totoong masaya ka, bakit ka pa manghihingi ng kapalit? Kung totoong masaya ka, hindi na kailangang mahalin ka pa Niya, kuntento ka na basta lang mahal mo Siya.
Ako: Ang taba talaga ng utak mo...
Charmaigne: Ha ha ha! Opkors!! Sige na, bago pa nila isipin na nababaliw ka na.
Ako: Sino?
Charmaigne: Yung nagbabasa nito, kung meron man. Ha ha ha!! Yung ending ha... :p

OJT, Part 12/12

<<<ANG NAKARAAN








May 25, 2011
8:15 AM





                                        "Ok, on another note, ah, I called this meeting, para mabigyan tayo ng chance na makapagpasalamat at makapagpaalam na rin sa ting mga OJTs. So this is their last day."

"Aaahhhhwwwwww..."

                                        "So, Charmaigne, Lucy, Arnold and Melinda; any last words?"

"Ha ha ha!"

                                        "Ikam na muna Charmaigne... how did you find your stay here on Nautilus?"

"Aha ha! Sige, ah, ano, salamat sa lahat ng andito. Yun, grabe, ang dami kong natutunan sa inyo, lalo na kay Ate Lyka, pasensya na kung ang dami kong tanong. Nakukulitan ka na siguro minsan sa 'kin. Ha ha ha! Pero, seryoso, na-appreciate ko yung time na-spend ko dito sa Nautilus, ang tatalino ng mga progs, grabe, ang babait ng mga boss, tapos masaya kayo kasama lahat. Hindi ako na-bored, hindi ako na-pressure, ay mali, na-pressure pala ako, ng konti, konti lang naman, pero, yun. Sulit lahat nung experiences na nakuha ko dito, at proud ako na naging part ako ng Nautilus family. Thank you sa inyong lahat, sa inyo po Sir Robert, kay Aling Edna, asan si Manang? Ha ha ha, ka-tsismisan ko yan si Manang. Tsaka, kay Sir Max."

                                        "Naks, special mention talaga..."

"Hala Sir Robert, hindi ah..."

                                        "Ano naman ang masasabi mo dun Max? Ha? He he he! Any last words?"

"Uyyyyy"


"What the hell? OJT ba ko? "

                                        "Aysus, ako na ang magsasabi, thank you daw for fixing his broken heart."

"Hala, may ganun?"

"Whoa, wait up there Robert, wala akong sinasabing ganyan, don't make things up."

                                        "Ha ha ha!! Wala ba guys? Ralph? Wala ba siyang sinabing ganun? Ha ha ha!! Anyway, kidding aside, thank you din for being with us, you're always be a part of the Nautilus family. Pagka-graduate mo, katok ka lang d'yan sa pinto, pwede ka na agad mag-start. Ha ha ha!"


7:32 PM

"Charmaigne!"

"Sir?"

"Before you go, I want to talk to you for a second..."

"?"

"..."

"??"

*sigh

"Ano po yun?"

"Honestly, I don't know how to... to begin... I'm not... good at this thing. I..."

"?"

"I jumped."

"Jumped?"

"Oh crap! Sorry, I... shit..."

"Crap? Shit? Natatae kayo Sir? Ha ha ha!"

"Hindi... ah... no... man... Don't laugh please, I'm trying to be serious here..."

"Sorry."

"You see, this is hard for me, I mean, ang tagal kong pinag-isipan, nag-decide kung... I've been contemplating about this for weeks now, and I.. I just can't believe that I'm... I mean, look at us, I'm your supervisor, you're my trainee, and I can't blame people who might raise their eyebrows, plus the fact that I'm 5 years senior, and I... wait, do I act like a high schooler to you? I mean with what I'm doing right now, I honestly feel like a teenager..."

"..."

"I'm sorry, I'm not good at this. There's a reason why I only had one girlfriend. I mean, when people see me, their first impression would be, I'm cool, classy, babaero, presko, but honestly, I'm not. I... I hope you can see where this is going... because I really don't think I can handle this..."

"..."

"..."

"..."

"I love you. I mean, I'm in love with you. I love your foxy smile, I love your husky voice, I love that big black blotch above your eye, I love your crooked teeth, I love your permanent tan, I love your petite size, I love the way you talk, I love seeing your grin every morning, and I love you... the whole you, more than the sum of your parts..."

"..."

"..."

"..."

"Look, I don't expect you to answer anything, I mean, 'I love you' is not a question, it's a statement, right? And I... I know it feels awkward, especially with our situation, I mean, it doesn't feel and look right... ang tingin mo lang sa'kin is probably just an elder brother or an older friend and uhm... sabi ko nga, people will be raising eyebrows, even my friends, they kept joking na 'child abuse yan dude' but uh... I don't... I don't expect you to feel the same way... but, just so you know... uh.. for the short period that we've been together, you already took a special place in my breast, I mean in my chest, or heart, or dibdib, or argh... Jesus!"

"..."

"..."

"Sir..."

"Just Max, please... it feels awkward."

"Mas awkward sa 'kin, Sir, pero... ganito kasi yan eh. May priorities na ko sa buhay, nakalatag na yung dadaanan ko sa ngayon, at, sorry, kasi, wala ka po dun eh. Sorry, pero... hindi ito yung tamang... panahon. Sorry, pero hindi ko... hindi ko..."

"Hush, Charmaigne, you don't have to cry, I mean, you have no fault in this, It's... It's me who fell in love, I'm the stupid one who crossed the river kahit na everybody's telling me not to. I mean, you know me, I'm the guy with the plan, 'di ba, kaya hindi ko rin inexpect that I'll feel this way. I never wanted this before, but now, all I want to do is to give in. I love thinking about you, for every single night, looking at your Facebook profile, typing that stupid message on Skype then deleting it afterwards. I find myself waking up every morning, smiling, knowing that when I go to work, I would see your face, and I can talk to you again."

"Sir, ordinaryong tao lang ako, kagaya lang din ako ng ibang babae, walang special sa 'kin. Wag n'yong..."

"Look, I know, I know. As a matter of fact, I have everything I need in my life right now. In spite of what I've been through, I came to a realization na, masaya pala ako, na wala pala akong karapatang umiyak, at magmukmok at maging bitter sa isang sulok. I've come to appreciate a lot of things, I have a happy family, I have my friends, mga officemates. And, ganun ka rin eh. I can see na masaya ka rin sa buhay mo ngayon. You don't need me in your life to be happy, and I don't need you as well. We're both happy, but now, I want you to consider... what if there is something more in our lives, more than what we already have. We're happy, but what if we can be happier?"

"..."

"Look, wag mong isipin na kinukulit kita, or pinipipilit. I know where you're coming from, and I am glad that I've met a woman like you who knows what she wants, and is strong enough to fight for her dreams."

"Pero sir, ayoko po kayong paghintayin o paasahin. Ayokong..."

"No. It's perfectly fine. I know. I'm willing to wait."

"Sir naman eh..."

"I've waited 25 years to finally meet you, now that I did, what's another year?"

"Kayo.. pero... di ko kayo mabibigyan ng assurance.."

"It's ok, I don't need one. I jump, I fall, catch me or not, I don't really give a damn."

"..."

"So, I guess, this is it..."

"..."

"It's goodbye for now."

"..."

"Good luck with your studies... take care of yourself."

"Sige po. Ingat din po. Bye."


May 26, 2011
3:52 PM

"Ano?"

"Sabi niya, he loves me."

"Agad? Ang bilis naman. In love kaagad? Teka, eh pano yung ex niya?"

"Ewan..."

"Ano ka, panakip-butas, ganun?"

"Grabe ka naman..."

"Anong sinabi mo?"

"Sabi ko hindi."

"Binasted mo?"

"Hindi. Sabi ko lang, may mga priorities ako."

"Yun naman pala eh.."

"Anong gagawin ko bespren?"

"Ano pa bang gagawin mo na hindi mo pa nagawa?"

"Pero... "

"Hindi pala siya ang priority mo eh bakit naggagaganyan ka?"

"Hindi mo kasi naiintindihan eh!"

"Eh di i-explain mo para maintindihan ko. Kaya nga ako nandito di ba? Sino pa bang makikinig sa 'yo?"

"Ang hirap kasi, alam mo yun..."

"Hindi  ko alam. Naguguluhan din ako. Akala ko ba nakaplano na ang buhay mo?"

"Akala ko din eh. Pero, ngayon, para akong pumunta ng grocery store, tapos nawala ko yung listahan ng mga bibilhin ko. Ganun kahirap."

"Ano sinabi niya pagkatapos mong sabihin na..."

"Hinhintayin daw n'ya ako."

"Talaga? Yun naman pala eh."

"Oo, pero... ayokong mag-expect. Baka mamaya..."

"Ok lang naman mag-expect paminsan-minsan eh, kailangan din kasi nating matutong tumanggap ng disappointment nang walang halong bitterness."

"Yun na nga eh, hindi ko alam ang gagawin ko... Natatakot ako"

"Nalilito ka?"

"Parang..."

"Bakit ka nalilito?"

"Alam mo ba, pagkatapos n'yang sabihin na mahal n'ya ko, parang.. parang gusto kong tumalon sa tuwa, biglang gusto ko siyang yakapin na... ang saya-saya ko bigla. Pero, wala akong nagawa. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang akong di makapagsalita. Ang daldal ko di ba, tapos natameme ako pagkasabi niya nun. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya..."

"Bespren... magtapat ka nga..."

"?"

"Yung totoo mong nararamdaman."

"Ano?"

"Ano?!"

"..."

"..."

"Parang... parang mahal ko na rin siya."



WAKAS...



At last, I've finally finished my first series. Thank you for those who took time to read this simple story that I made. I know it may have looked and sounded cliche for some, some say it's just plain cute, but I'm not an ambitious writer, I'm just a storyteller.
I never really thought that I'd finish this. This is not the first time I tried writing an elaborate story, and I have wasted countless pages of paper before with no final output. I never even expected someone would read this. It's just a boy-meets-girl story, like many of us have seen and watched in films and television. But writing this, I have come to a realization that a story, no matter how simple and ridiculous, if told from the heart, is a story worth writing for.