Get me outta here!

The Girl With a Hidden Smile

I met a girl with a hidden smile
Her face is covered with scowl all day
And forlorn eyes that stares from a mile
But I saw bright colors beyond the grey

Her body's a smile, each motion a grin
Her hands are laughter, one stroke is glee
Her soft silent voice full of bliss within
She's always alone, but never lonely

She'll hide her smile, her joy may not show
But she's the happiest girl I've come to know






Apologies for the art. I used it without permission. Hopefully, the girl with a hidden smile won't get mad at me.

Train (part 3)

"Mag try-out ka sa varsity"

"Ha?"

"Si Sir Romualdez ang coach ng Badminton team natin, mag-try out ka sa kanya, magaling ka."

Nag-blush ang pisngi ni Kristine sa sinabi ng binata, at nagtawanan ang lahat ng matamaan ito ng shuttlecock sa noo.

Nag-uusap sila Kiko at PJ nang pumasok ang tatlong dalagang ito sa USG office, nanghihiram ng mga raketa. Isa ito sa mga project ng grupo, kung saan Vice President si PJ. At kahit busy, kita pa rin ng peripheral vision niya ang mga ito.

Matinik sa mga babae itong si PJ, palibhasa'y tisoy at guwapo. Matangkad, matangos ang ilong, chinito ang mga mata, bilugan ang mukha, at may isang pares ng dimples sa pisngi. Kilala sa pagiging ladies' man, lahat ng babaeng matipuhan niya, siguradong nakukuha niya. At ngayon nga, nakita niya ang sunod niyang prospect.

Naghintay siya na makaalis ang mga babae bago kimulos ang binata.

"Ahh, Kiks", sambit nito sa kaibigan pagkatayo, "usap na lang tayo ulit mamaya."

"Ha?" litong tanong ng kaibigan.

"Hindi mo nakita yun? Mga chickas pare."

"Hoy, mga first year lang yun PJ", harang ni Cas, ang officer na nakipag-usap sa mga dalaga.

"Come on my dear, parang 'di mo ko kilala. You know age doesn't matter", sagot ni PJ dito, "On second thought Kiks, bakit 'di ka sumama sa kin? Tara! Alam mo, kapag babae ang problema, babae rin ang solusyon!" balik nito kay Kiko.

"Alam mo namang pass na ko d'yan pre... bagong buhay na ko, si Cheska na lang ang..."

"At tingnan mo ang nangyari sa pagbabagong buhay mo! Kung ako sa 'yo, tumayo ka, and explooore the world. Ang dami-daming isda sa ka..." tumigil sandali para isipin ang karugtong ng salita, "karagatan!"

Iling lang ang sinagot sa kanya ng kaibigan.

"Ok fine, bahala ka. Brood all day." Kinuha ni PJ ang bag niya saka lumakad papuntang pinto. "Wait lang, Cassie, bago tayo magkalimutan," ibinuka ng binata ang palad sa tapat ni Cas. "Reg form."

"Hindi." Matigas na sagot ng dalaga.

"C'mon Cassie, alam mo naman makukuha ko rin yan, why make it harder? Course lang nila, and their schedule. And address." Sabay flash ng dimples niyang makalaglag underwear.

"Pag sinabi kong hindi, hindi!! Wag mong isipin na dahil guwapo ka makukuha mo na lahat ng gusto mo. At kahit magpa-cute ka pa sa kin, wala nang epekto yan dahil tapos na ko sa 'yo! Okey? Kung gusto mong mang-hunting ng chicks, bahala ka, pero 'di kita tutulungan."

"Cassie..." sabay lapit ni PJ sa dalaga, habang ini-stretch out ang palad nito sa pisngi niya. Na caught-off guard ang kausap at napatigil sandali, pinipilit itago ang blush na namumuo sa pisngi, at pilit pinipigilan magtagpo ang mga mata nila. Isang eye contact lang, isang eye contact lang at bibigay na siya.

"Hindi! And don't call me Cassie. It's Cassandra. Tseh! Layas, layas, lumayo ka sa 'kin!" ang pagtataboy niya kay PJ. Ang tumawa na lang ang nagawa ni PJ habang binubuksan niya ang pinto ng USG office. You may deny it, but your eyes won't lie.


Saktong pagbukas niya ng pinto ay nasa labas at akmang papasok ang isa pang officer.

"Louie! Sakto ang dating mo, you're exactly what I need."

"Ha?" Litong sagot ni Louie na walang kalam-alam sa nangyayari.

Umatras sandali si PJ at kumuha ng isang raketa mula sa shelf ng mga sports equipment na pinapahiram ng opisina. "Kailangan ko ng wingman, at sakto ang dating mo."

"Teka, may gagawin pa 'ko.."

"Makakapaghintay yan! Eto, dalhin mo to", iniabot ni PJ ang raketa sa bagong dating at inakay ito palabas ng kuwarto.

Hindi nahirapan si PJ na hanapin ang mga babae. Iilang spot lang sa eskwela ang suitable para paglaruan ng Badminton, lalo na't wala silang proper court para dito. (At kung may nakaset-up man, ginagamit yun ng mag nagpi-PE o ng varsity team) Sa likod ng building ng College of Science niya nakitang naglalaro ang mga ito. Malilim ang parteng ito pagdating ng ganitong oras, kaya maraming tumatambay. Sa gitna ng daanan naglalaro ang dalawa sa tatlong dalaga; yung isa maputi, kulot ang buhok at balingkinitan ang katawan, kalaban niya ang isang morena, pango at tigyawating dalaga. Sinipat niyang maigi ang dalawa, This one is good. Mukhang varsity player. The other one... wala! Probably taga-COS, or taga-CAFA (College of Fine Arts), hindi ko sila nakikita sa Eng building. Pero asan yung isa... Inikot ni PJ ang tingin at nakita niya ang pangatlong dalaga, nakaupo sa mesa sa isa sa mga shed na tambayan ng mga estudyante kapag walang klase. Masaya itong nanonood at nakiki-cheer sa dalawang naglalaban. Sa itsura at ayos niya, hindi pa siya nakakalaro at pinauna muna ang dalawa. Pandalawahang laro nga naman ang badminton.

Lumapit si PJ, sa dalaga, hatak-hatak si Louie at pumuwesto ilang dangkal sa tabi nito. Inilapag ang bag sa mesa at umaktong nanonood. Maya-maya pa, nagsalita na siya. "Mag try-out ka sa varsity", sigaw niya sa maputing dalaga na naglalaro. Nilingon siya ng tatlong dalaga. Tumingin siya kay Andrea sa kaliwa at nginitian ito. Sinagot naman siya nito ng isang awkward na ngiti, sabay tawa ng tamaan ng shuttlecock ang kaibigan sa noo. "Magaling tong kaibigan mo ah. Varsity siya nung High School no?"

"Yata..." alangang sagot ng dalaga, na tumingin muna sa kanya para siguraduhin na siya nga ang kinakausap.

"Yung grip niya, tsaka yung footwork niya. Eh ikaw?"

"Ako? Hindi... larong kalye lang alam ko."

"Weh? Bakit di ka sumali sa kanila?"

"Mamaya, pagkatapos ni Ram." turo ni Andrea sa morenang dalaga na kalaro ni Kristine.

"Bakit di tayo mag-doubles?"

"Ha?"

Nilingon ni PJ si Louie at tinuro ang raketang bitbit nito sa likod. "Raketa ba yan?"

"Oo." Sagot ni Louie.

"Pahiram muna." Inabot ni Louie ang raketa kay PJ, "tara, sabihin mo sa mga kaibigan mo doubles tayo."

"Ha? Sige.." nilabas ni Andrea ang raketang dala mula sa lalagyan nito at tinawag ang mga kaibigan. "Kristine! Doubles daw, kasama si P... siya, si kuya... kuya USG"

"PJ." Iniabot ng binata ang kamay para makipag-shake hands.

"Andrea. Kayo yung nag-orient sa 'min nung isang araw, 'di ba?"

"Yup. Anong courses niyo?"

"Com-Ed kaming tatlo. Si Kristine, tsaka si Ramelyn." Humahagikgik na lumipat si Ram sa kabilang side, at di naitago sa paningin ni PJ at pagkagat nito sa labi at pagrolyo ng eyeballs sa ibabaw ng mata. Habang di pa rin natatanggal ang blush sa pisngi ni Kristine habang pangiting kinakaskas ang mga ngipin. Jackpot ka PJ, jackpot ka!


to be continued...