Get me outta here!

OJT, Part 11/12

<<<ANG NAKARAAN


May 17, 2011
8:15 AM
"Good morning Charmaigne! Wala ka kahapon?"

"Masama po kasi pakiramdam ko eh."

"Ow. Are you sick? You've seen the doctor yet? Gamot or anything?"

"Hindi po, wala naman po akong sakit. Ano lang po, yung ano, alam mo na, yung ano..."

"Ahh, Okay I get it. Are you okay now?"

"Medyo."

"Good. Don't push yourself too hard kung 'di mo pa kaya."

"Ok po. Salamat."

"And oh, by the way... I... I kinda missed you yesterday."

"Po?"

"I mean, I missed talking, wala kasi akong kausap kahapong lunch, wala rin kasi sila Ralph.. and.. ah...that's it."

"Ok."

"..."

"Sir? May problema po ba?"

"Ah, no, nothing. Sige ah.. Keep up the... good work."

"Ha ha ha, salamat, ay, ngapala Sir, welcome back."

"Thanks. Sige, ah... later..."




May 19, 2011
12:45PM


"Hello?"

"Bespren!"

"Oh, ano?"

"Sama ka bukas."

"Saan?"

"MOA siguro."

"Ang layo naman. Bakit, ano meron?"

"Last day namin bukas."

"Sino-sino kayo?"

"Eh di kami-kami."

"Baka one of the boys na naman ako n'yan ha."

"Inaya ko na rin sila Cecil, try din daw nya pumunta. Sama ka na, para kumpleto kayong Lollers."

"Tingnan ko, magpapaalam pa 'ko. Tapos na rin ba mag-OJT sila Cecil?"

"Kahapon pa kaya."

"Ang daya, buti pa kayo, hanggang Miyerkules pa ko dito."

"Sus, kunwari ka pa, alam ko namang ayaw mo nang umalis d'yan."

"Ngek! Gusto ko na ring magpahinga no. Gusto ko namang maramdaman yung summer vacation ko."

"O sige, sabi mo eh."

"Sige na, sige na, sana payagan ako. Sige, tapos na lunch namin."



May 20, 2011
9:29AM

"Charmaigne."

"Ay, Ma'am ano po yun?"

"Sama ka mamaya?"

"Saan po?"

"Mag-videoke kami. Birthday ni Lyka."

"Ay, hindi po ata pwede..."

"Hindi pwedeng hindi, sige na, sumama ka na. Ikaw naman, last week mo na nga. Sige ka, magtatampo si Lyka sa 'yo, wala ka nang matatanungan. Joke. Ha ha ha!!"

"Ay, wag naman ganun. Sige po, tingnan ko."

"Basta, sumama ka. Sasama din ata si Max."

"Ewan ko lang... Hala.."










8:02PM





"Ate Lyka, happy birthday!"

"Thanks, Charmaigne."

"Ayan, pumunta ako ah. Ha ha ha! Nagpaalam lang ako sa mga classmate ko kasi may lakad dapat kami ngayon. Sabi ko sunod na lang ako."

"Ok lang yan. Once a year lang ako mag-birthday. Sila Sir Max, mamaya pa daw ata."

"Pwede na po bang kumanta?"

"Oh sure, why not, sige na, kanta na. Ha ha ha!! Excited?"

"Joke lang, mamaya na lang po, kayo muna."

"Aha ha ha! Sige, pero habang wala pa sila Sir Max, iha-hotseat ka muna namin."

"Ha?"

"Right!!"

"Sige, sige. Masaya to!"

"Hala, bakit..?"

"I-kwento mo naman 'te."

"Kaya nga, share girl."

"Wala naman po akong ise-share eh."

"Sus, echos!"

"Wala talaga."

"Wala daw. Eh yung sa Batangas?"

"Walaaa. Nag-joyride lang kami. Wala naman yun eh.."

"Pero may gusto ka sa kanya?"

"The truth..."

"Halaaaa..."

"Share mo na 'te, last week mo naman na oh."

"Kaya nga.."

"Nakakahiya..."

"Ano ka ba, ok lang yan."

"Atin-atin lang naman."

"Your secret is safe with us."

"May ganun? Ha ha ha!! Eeeee..."

"Sige na.."

"Ano.. crush..."

"Ayieeee.."

"Ha ha ha!"

"Since when pa gurl?"

"Nung... umpisa pa lang.. yun."

"Ay, love at first sight!"

"Grabe, hindi naman... Halaa, pinapunta nyo lang yata ako dito para i-hotseat eh.."

"Ay, ngayon mo lang napansin? Ha ha ha!"

"Ha ha ha! Uy, ano ah, atin-atin lang ha... nakakahiya..."

"Don't worry darling, I feel you..."

"May ganun?"

"Hindi ka nag-iisa, loka. Ha ha ha!"

"Paprangkahin na kita ah, nangliligaw na ba siya sa'yo?"

"I wish. Ha ha ha! Joke! Hindi ah.. wala naman siyang sinasabi. Hindi naman ganun... halaaa.."

"Pero if ever, what are the chances?"

"Kaya nga..."

"Ha? Hala, hindi ko alam, teka..."

"Ay, choosy pa 'te?"

"Hindi naman. Ano lang, wala akong time mag-boyfriend..."

"May ganung factor? Lame excuse na yan. Naka-ilang boyfriend ka na ba?"

"Wala pa..."

"Seryoso? No boyfriend since birth? Bakit 'te?"

"Hindi naman ako nagmamadali..."

"Hindi nagmamadali, eh end of the world na bukas..."

"Ha ha!"

"Pero nanliligaw, marami?"

"Hindi naman. Ano... Merong muntik na, pero nung first year pa yun."

"Muntik?"

"Oo. Classmate ko nung first year, nanligaw siya, ayun, sasagutin ko na dapat, makulit kasi eh, tsaka nai-in love na rin ako. Kaso nung next sem, hindi na pumasok, sumali daw sa NPA."

"Totoo?"

"Oo, ewan, di ko alam kung totoong sumali siya sa NPA, pero wala na kong balita sa kanya mula nun."

"Ay, baka na-salvage na."

"Wag naman. Mabait naman yun..."

"Oh di ba, tama ang hinala ko. Ako pa, magaling akong makaamoy. Ha ha ha!!"

"Ngeh..."

"Ako nga, isang taon na ko dito sa Nautilus, pero di pa rin ako pinapansin eh. Anong sikreto mo?"

"Ha ha! Wala, hindi ko alam... halaaa, nag-start ata yun nung pinagalitan nya ko, yun yata yun."

"Ay, yung may na-commit ka na mali? Yung umiyak ka pa, yun ba yun?"

"Oo, yun ata..."

"Grabe, makagawa nga din ng kabulastugan, para mapansin naman ako..."

"You wish! Ha ha! Pero ano na nangyari kay Lalaine?"

"Ay alam ko 'te. May alam ko!!"

"Share mo bakla..."

"Sure. From my anonymous but credible source, si Sir Robert."

"Anonymous, eh sinabi mo na..."

"Basta! Ganito daw, naalala nyo nung na-suspend si Sir Max? Yung pumasok siya ng lasing na lasing?"

"Oo."

"Nagkita daw sila nun before that. Tapos, ang kwento pa, parang nakiusap ata si Lalaine na i-urong na yung demanda, dahil nga dun sa expenses sa kasal. Di ba?"

"Ay, oo, langyang kasal yan, imbiyerna!"

"Pero yun nga, kaya dun daw nagalit si Sir Max, kasi ang ine-expect niya eh makikipagbalikan na."

"Eh pero ano ba talagang dahilan, bakit siya nag-runaway bride?"

"Eh, na-in love daw ang loka. Kesyo nahanap na daw niya ang kanyang soulmate. Ayun, kesyo ayaw daw niyang lokohin pa si Sir Max."

"Soulmate? Pano naman niya nalaman na soulmate nya yun? Ang babaw ah.."

"Sinabi mo pa. Imagine, 10 years, ipagpapalit mo sa isang lalaki na kakakilala mo lang?"

"10 years ba sila? Grabe. Pero hindi mo rin naman masisisi si Lalaine, eh na-in love siya eh. Hindi mo naman mapipili yung taong mamahalin mo."

"Hindi rin."

"May pinaghuhugutan 'te?"

"Hindi naman, medyo lang. Nangyari na rin sa 'kin, yung sa boyfriend ko ngayon. Sa totoo lang, mahirap, kasi di ba, parang sinisisi ko yung sarili ko na ganun. Kaso ano pa bang magagawa ko, eh na-in love na ko eh. Pero mas maigi na rin yung maaga pa lang, di ba, at least hindi kayo maglolokohan."

"Tama na rin yung nalaman niya, at least nakita nya yung totoong kulay bago sila ikasal."

"Tomoh!"

"Pero ang mahalaga eh naka-move na si Sir Max."

"Oo nga. Gusto ko na yung aura niya ngayon. Balik na sa dati, di gaya nung after nung kasal, halos di mo makausap di ba?"

"Oo, nakita mo ba yung Facebook n'ya? Yung nagpalit s'ya ng pangalan?"

"Ay oo. Anong sabi niya? New life daw?"

"Ha ha! Oo nga. Kasi, di n'yo ba alam kwento behind dun sa nickname na gamit niya dati?"

"Hindi, ano ba?"

"Oy, tama na yan, tama na, parating na daw ang mga boys."

"Ay, masaya to 'te. It's gonna be a parteeey!"

"Hoy, bakla, umalis ka d'yan sa tabi ni Charmaigne at d'yan natin pauupuin si Sir Max."

"Hala!"

"Ayieee"

"
"Charmaigne, ingat ka lang sa kilig, madaling mawala yan. Ha ha ha!"


MAY 21, 2011
11:12AM

"Hello, bespren."

"Hello."

"Sorry kahapon ha..."

"Ok lang."

"Galit ka ba?"

"Hindi ah. Naintindihan ko naman yun. Grabe naman."

"Ano nga palang nangyari? Sino-sino kayo? Upload ka naman ng pics!"

"Madami, ikaw nga lang wala sa Lollers. Upload ako mamaya."

"Aw. Miss ko na sila."

"Bakit sila lang? Ako hindi?"

"Hindi. Araw-araw kitang kausap eh."

"Ay, ang sama."

"Joke lang. Ha ha ha!"

"Ngapala, in case na matuloy yung end of the world, may sasabihin nga pala ako..."

"Adik ka? Naniniwala ka dun?"

"Hindi. Pero malay mo diba, wala namang mawawala."

"Eh? Ay, teka, mamaya na lang, may inuutos pa sa kin."

"Ok sige, bye."

"Ba-bye."





MAY 25, 2011
8:24AM



"Good morning Charmaigne."

"Sir? Para sa 'kin?"



"Yup."

"Ano meron?"

"Well, its your last day. Naisip ko, wala pa kong gift sa 'yo, so..."

"Salamat."

"Ow, that's nothing. May meeting mamaya, sa Conference, nasabihan ka na?"

"Opo."

"Ok."


OJT, Part 10/12

<<<ANG NAKARAAN

May 14, 2011
9:24 AM

"Bespren."

"Uhm. Ano?"

"Bangon na."

"Ayoko pa, ang sakit ng katawan ko."

"Ano yang nasa kama mo? Parang may nagpatayan d'yan."

"Ha? Hala, shit! Ano ba yan! Pahirapan na naman sa paglalaba neto. Teka, bakit andito ka na naman sa loob? Sabi ko sa'yo kumatok ka lagi di ba? Pasok ka ng pasok."

"Sorry, nakabukas yung pinto eh."

"Ano ba yan, nakakahiya ako."

"Sus, wag ka na mahiya sa 'kin."

"Sige na, umuwi ka na."

"Kararating ko lang  kaya."

"Sige na, wala ako sa mood makipag-kwentuhan sa 'yo ngayon. Ang sakit ng puson ko, may singaw na naman ako, may sipon pa ko, ang sakit sakit ng ulo ko, at ang init-init, sobra! Ok? Sorry. Sige na. Uwi ka na."

"Gusto mo palit na tayo ng puson?"

"Ano?"

"Para di na masakit kapag meron ka."

"Bading ka ba? Gusto mo maging babae? Ang hirap-hirap kaya."

"Eh 'di wag, nagsa-suggest lang naman."

"Sige na, uwi ka na, please? Sorry."

"Pagpahingahin mo naman muna ako sandali. Pwede?"

"Ok fine."

"Uy, naalala mo si Trixie?"

"Trixie? Yung taga-B?"

"Oo."

"Yung ex mo? Ha ha ha!!"

"Hindi nga daw naging kami, ok? Assuming lang daw ako masyado. Pero, ayun, nakasabay ko siya sa elevator nung Huwebes."

"Oh talaga?!"

"Ayos ah, basta tsismis bangon agad. Ha ha ha!"

"Siyempre. Oh anong nangyari?"

"Wala. Dedma lang."

"Dedma lang? Grabe ka naman, bitter ka pa rin hanggang ngayon?"

"Hindi ako bitter, ok. Ang tagal-tagal na nun, 1st year pa tayo, pwede ba. Naka-move on na ko. 
Tsaka, wala naman kaming dapat pag-usapan, bakit ko siya kakausapin?"

"Kahit na, skulmeyt natin siya, dapat nag-hi ka man lang. Bakit nga pala siya andun?"

"Malay. Baka dun din yung pinago-OJThan nya."

"Uy, small world... destiny... ayiee, he he he!"

"Utot! Destiny mo mukha mo. Wala na kong gusto sa kanya, kinalimutan ko na siya, 
wala akong panahon para sa mga playgirl at user na kagaya niya."


"Eh ba't ang bitter mo pa rin?"

"Hindi nga ako bitter, pwede?"

"Denial! Ok lang yan bespren, sabi nga ni Papa Jack, minsan kailangan mong maging bitter para maka-move on."

"Naka-move on na nga ako, ok?"

"Ha ha! Eh bakit wala ka pa ring nililigawan hanggang ngayon? Dahil ba hindi mo pa rin siya napapalitan sa puso mo? Ayieee..."

"Naman eh, di mo talaga ako tatantanan? Wala akong balak manligaw ng kahit na sino. Kuntento na kong ganito, and'yan si Lola, si Tatay, aalagaan ko na lang sila sa pagtanda nila, at pag-aaralin ko na lang mga kapatid ko."

"Ano, balak mong tumandang binata?"

"Bakit hindi?"

"Aysus, ang drama ha... Nabigo ka lang ng isang beses, ayaw mo na agad. Hindi ganun ang buhay tsong."

"Sino ba may sabing isang beses pa lang akong nabigo?"

"Isa, dalawa, lima, sampu, kahit bente na beses ka pang mabigo, wag ka dapat mawawalan ng pag-asa. And'yan lang sa tabi-tabi yung right girl para sa 'yo. Maghintay ka lang."

"Ayoko na rin. Isipin mo, bakit ka magri-risk na pumasok sa isang relasyon, kagaya ng boyfriend-girlfriend, na alam mo na pwede kayong maghiwalay, kung pwede ka namang mag-settle sa isang relasyon, tulad ng friendship, na sigurado kang tatagal habangbuhay, 'di ba?"

"Kahit na. Darating yung panahon na mawawala kaming mga kaibigan mo, yung mga kabanda mo, magkakaroon ng kanya-kanyang career, kahit family mo, hindi mo makakasama habangbuhay. Kailangan mo ng taong magpapasaya sa 'yo."

"Hindi ko kailangan ng taong magpapasaya sa 'kin. Masaya ako sa sarili ko. 'Di ba ikaw na nagsabi dati, na dapat ang happiness eh hinuhugot sa sarili at hindi sa ibang tao."

"Oo nga, pero oras na nahanap mo na yung kasiyahan sa sarili mo, pwede ka nang maghanap ng kasiyahan mula sa ibang tao. At least, mabigo ka man o masaktan, meron kang naka-reserved na happiness d'yan sa loob mo na hindi makukuha ng iba."

"Ay, basta basta! Basta ayoko, ok? Sobrang deep, di ko ma-reach. End of file na, ok? Topic closed."

"Hanap kita ng babaeng magpapaligaya sa 'yo..."

"Sinabing tama na eh!"

"Aha ha ha ha ha!!!"

"Sige, tawa lang, tapos i-kuwento mo sa manok, yung may gravy ha."

"Di ba si Suzette crush mo yun?"

"So? Wala naman siyang gusto sa 'kin."

"Siyempre ganun talaga sa simula, kailangan mong mag-effort."

"Papagurin ko lang sarili ko. Buti pa si Karl, heartthrob, effortless, pila-pila ang nagkakagusto. Bakit ba kasi hindi ako pinanganak na guwapo..."

"Ano ka ba, matalino ka naman, tsaka mabait, tapos talented pa."

"Sinong babae naman ang magkakagusto sa matalino at mabait, aber?"

"Uy, meron ah, grabe ka naman makapagsalita. Hindi naman pare-pareho ng taste ang mga babae. Hindi lang naman kami sa itsura tumitingin."

"Sige nga, sa section natin, sinong may crush sa 'kin?"

"Ahmm..."

"Kita mo, wala 'di ba?"

"Wala lang nagkukuwento, pero meron yan."

"Ay ewan, teka, bakit ba ako ang topic dito? Ikaw dapat ang hotseat eh, pati yung kabayo mo."

"Ah ha ha ha!! Nakita mo na?"

"Oo. Mag-online ka kaya, ang haba na ng thread, kung anu-ano na ang naisip namin. Akala namin magi-equestrian ka na."

"Adik. Kahapon yun, nagpunta kami ng Batangas."

"Batangas?"

"Uh uhm."

"Sino-sino kayo?"

"Kami lang ni Sir Max."

"Sumama ka sa kanya sa Batangas? Na kayong dalawa lang? Adik ka ba?"

"Ano naman?"

"Mabuti kung kilalang-kilala mo na yun tao, mamaya kung anong gawin sa 'yo nun."

"Grabe ka naman, hindi naman ganun si Sir."

"Kahit na. Para kang tanga."

"Ewan ko sa'yo."

"Anong ginawa n'yo dun?"

"Nangabayo. Marunong na kong mangabayo. Ha ha ha!"

"Tapos?"

"Wala. Yun lang, nagkuwentuhan."

"..."

"Ano naman yang tingin mo? Grabe ka, anong akala mo sa 'kin?"

"Hoy, wala akong sinasabi ah..."

"Eh yang tingin mo."

"Mukhang may gusto na rin yan sa 'yo."

"Seryoso? Talaga?"

"Sa tingin ko. Kasi hindi ka naman niya bibigyan ng special attention kung wala, 'di ba?"

"Ganun?"

"Siyempre. Kaming mga lalake binibigyan lang namin ng special attention yung taong gusto namin."

"Ahmmmm... Hindi, hindi, hindi, hindi. Hindi ako mag-aassume. Bawal, bawal, bawal. Erase thought."

"Ngayon ayaw mo na mag-assume kung kailan nakikitaan mo na ng rason, samantalang dati..."

"Iba naman yung... Ay basta, sige na, umuwi ka na. At may kailangan pa kong gawin. Kadiri na 'ko."

"Anong gagawin mo?"

"Hay naku, it's a girl thing. Sige na. Ba-bye, ingat."



May 17, 2011
8:15 AM
"Good morning Charmaigne! Wala ka kahapon?"

"Masama po kasi pakiramdam ko eh."

"Ow. Are you sick? You've seen the doctor yet? Gamot or anything?"

"Hindi po, wala naman po akong sakit. Ano lang po, yung ano, alam mo na, yung ano..."

"Ahh, Okay I get it. Are you okay now?"

"Medyo."

"Good. Don't push yourself too hard kung 'di mo pa kaya."

"Ok po. Salamat."

"And oh, by the way... I... I kinda missed you yesterday."


Become The Person That The Person You're Looking For Is Looking For

I don't usually repost or reblog articles I read on the web - it's my simplest way of respecting an author's original work. I do, however, share blogs that I want other people to read. But this certain blog post really hit me, because I find myself in a somewhat similar situation. So for her blog, I will make an exception.

This is for the people who had fallen and been broken; for the people who had lost faith in relationships; to those who had stopped believing in happy endings;  to anyone who has ever felt love at one point in their life, and cried.




You Should Date…



The person I want you to date exists and I want you to wait it out until you meet them. Because, in case you haven’t yet,  you will. Waiting is for the brave  – it means watching years pass, noticing yourself growing older and sitting through wedding after wedding after wedding. It means bottling that slow-rising fear. It means questioning your standards and running the risk of settling.

I wish someone had told me that the person I was meant to be with was a real actual living person, breathing in some part of the world and waiting, too. I did not believe in romantic destiny so I projected all my hopes into the wrong people and tried desperately to make these wrong people right. In the end, no one won and the aftermath was a combination of devastating grief, self-loathing and crippling regret. I do not want that for you.

Wait.

The person I want you to date might be making morning coffee right now or sleeping through a thunderstorm or getting a degree in Physics. Wait. I mean it. Every other person will be a cheap imitation of the real thing.

The person I want you to date believes in big things. This person has a passion and pursues it with a  hunger that could set the world on fire. This person believes in setting goals and making them happen. Trust me: you will never regret being with someone who is madly in love with their purpose in life. When you meet this person —  this unstoppable ball of good fury — I want you to have a vision of your own. A goal you can shape your life around. I want you to have a desire to change the world, whatever pocket of it you belong to. You can’t be stagnant when the person you’re with is active and dynamic. Life is a grand celebration of doing great things that matter and you (yes, you) play a huge part in all of it.

The person I want you to date has character. When you’re young, all you’re looking for is personality. Charm. Compatibility in music and book taste and food preferences. I think these are all well and good but character is what sustains a relationship when all of these things change. Personality is ever-evolving, character grows and amplifies in time. Character is when a person does beautiful things without seeking credit. It’s when someone doesn’t quit — even if every fiber of their being begs them to. It’s the ability of someone to graciously expend back-breaking heart-wrenching love to someone who has disappointed and failed them. Character is that beautiful thing that gets molded over time and experience. Be someone with character and never settle for someone without it.

The person I want you to date will be into you. Really, really into you. There will be no need for pointless mind games, no room for even the slightest bit of emotional confusion.  The person I want you to date will be crystal clear about their intentions towards you. They will not win you over with sweet nothings or romantic gestures. Their love will be bigger than the superficial trappings of courtship. The person I want you to date will take the time know you. They will see everything there is to love about you  and they will look at the core of all the bad stuff and not balk. They will not run at the first sign of ugliness. Instead, they will love you through it.

I want you to know that the person I want you to date will fail you. Give them the grace to be human. (You are one, too.) Don’t listen to those stupid quotes that tell you that the person who loves you will never make you cry. I want you to realistically approach this thing we call human relationships. Hurting one another is part of the messy dynamics of getting close to someone. But the person I want you to date is a person who knows how to resolve conflict especially when it blows up in both your faces. Their ego will never be too big to own up to their mistakes.

And when it comes to their love for you, YOU WILL KNOW. Their love will be the most painfully obvious thing in the world that though  you will come to question many, many things in life, you will never — not even once — question them.

And you know what? They will believe in you so much that you will never feel compelled to question yourself. You will put all your insecurities to rest because the person I want you to date will, more than anything, make you feel that you matter. Always. And you know why? Because you do. :)

I’m sure it sounds like a long shot but what if you dared to believe that the person I want you to date is real? Love is greater than cynicism and this is what I believe — yes, me, the last single girl in the world: While some people think  this all sounds  too good to be true,  there is a God who is out to give us things that are much too good to be false.

Believe. Don’t settle. And in the meantime: become the person that the person you’re looking for is looking for. 



Isa Garcia is an everyday girl. She likes writing, food and travel. Her full blog appears here.

OJT, Part 9/12

<<<ANG NAKARAAN


May 10, 2011
9:45 PM




"Hello Charmaigne."

"Hello Sir!"

"So, how are the things at the office?"

"Ok lang naman po. Si Ate Lyka ang nagbigay sa kin ng mga gagawin ko."

"Ok. Good."

"Ah, Sir... Totoo po ba?"

"What?"

"Na, suspended kayo kaya kayo absent?"

"Ah. Yep, that's the case actually. I know its my fault, and hindi na dapat ako nagpunta ng office yesterday. That was stupid of me. Sorry for what I did, naabala pa kita."

"Hindi po, ok lang po. Paalis na rin po ako nun kagabi. Paano po kayo nakauwi?"

"I slept in the car. I think madaling araw na yun nung nagising ako. Then, Robert e-mailed about na wag na daw akong pumasok muna. I just slept the whole day, my head was throbbing."

"Ahhh..."

"You're probably doing something right now, I shouldn't have called, ah sorry."

"Ah, hindi, ok lang po, wala naman po akong ginagawa, nagba-browse-browse lang."

"Oh."

"Ahmm.."

"..."

"..."

"..."

"Sir?"

"Ah, yeah, well, sorry ... I guess that's it, ah..."

"Ano po?"

"No, ah, actually, I just, wanted to hear your voice"

"Po?"

"No, nothing."

"Ang hina po kaya ng boses n'yo."

"Talaga? I don't know, sira ata tong mic."

"Bili ka ng po ng bagong headset."

"Ha ha! Sige, sige. Ok. Ahm.. Sige, ahh.. bye."

"Ah? Ok. Sige po."

"Take care of yourself."

"Ingat din po kayo."



May 13, 2011
7:49 AM


"You're late."

"Po? Ang aga pa kaya. Papasok na rin kayo Sir?"

"Nope. And so are you."

"Ano?"


"You're not going to work today, 'cause you're coming with me."

"Po? Saan?"

"I don't know. Anywhere is fine. Where do you wanna go?"

"Hindi ko po alam, teka Sir, pwede ba yun? Baka pagalitan ako."

"Sinong magagalit sa 'yo? I'm your boss, remember?"

"Pero Sir, hindi kaya..."

"What? You don't trust me?"

"Hindi naman po ganun, pero..."

"Look, they know you're with me. Nagsabi na ko. So if you don't show up on work on Monday, ako ang unang tatanungin. You don't have to worry about anything."

"Pero baka..."

"Hey, look. It's Friday the 13th. What's the worst that could happen?"

"Yun na nga po, di ba malas daw bumiyahe ngayon?"

"There is no luck. Everything is random."

"Pero... Saan tayo pupunta?"

"That's the problem actually. I don't have an idea either. How about you?"

"..."

"Oh, I know. Tagaytay. The weather there is nice this time of the year."

"Tagaytay? Ang layo nun Sir."

"No, it's not. Just 60 kilometers south, 2 to 3 hour drive. We used to go there all the time. Plus, you're forgetting I have a car."

"Ok lang ba yun, Sir?"

"Definitely. Come on."


10:09 AM



"Come on man. Don't fail me. Come on! Fuc-"

"Anong nangyari?"

"I can't believe it. Nahirapan na siyang umahon. That's just it! Malas! I guess we'll just have to walk."

"Ha ha! Sabi nyo di kayo naniniwala sa malas."

"Sige, baba ka muna."

"..."

"Kasalanan to nung bus na nag-swerve kanina eh. Di tuloy ako nakabwelo."

"Sisihin daw ba yung bus? Ang sabihin nyo Sir, luma na tong kotse nyo. He he he! Ang yaman yaman nyo Sir eh, di pa kayo bumili ng bago."

"I'm not rich. Who told you I'm rich?
Oh, wow, come here Charmaigne, look at that. Amazing isn't it? Never gets old."

"Wow! Ang ganda. Pwede kaya tayong pumunta dun sa mismong bulkan?"

"Of course. I've been there once."

"Talaga?"

"Unfortunately, hindi ata pwede ngayon. Nagtanong ako sa baba kanina, parang may volcanic activity daw ata na nangyayari."

"Weh?"

"Ha ha ha! Don't worry, it's not like it's gonna explode right in front of us. Well, that's the worst that could happen. It's Friday the 13th!"

"Huwag kayong magbiro ng ganyan Sir, baka magkatotoo."

"Ha ha ha! Sayang, di tayo makaakyat. Trekking sana tayo, kaso wala nga rin pala tayong gears."

"Biglaan kasi kayo mag-aya Sir."

"Ha ha ha! I don't know, I became impulsive all of the sudden. It's like I don't know myself anymore."

"Wow! Sunflower ba yun?"

"Yes."

"Wow! Ang ganda! Pwede ba akong pumitas?"

"Of course, that's free. Ang dami nyan dito."

"Ang ganda. Wow!"

"Don't tell me ngayon ka lang nakakita ng sunflower."

"Uh um."

"Seriously?"

"Oo nga. Wala namang ganito sa Maynila eh. Puro plastik lang."

"Don't tell me hindi ka pa rin nakakasakay ng kabayo?"

"Hindi. Sa merry-go-round lang ako nakasakay ng kabayo."

"Really? Alam ko na kung saan tayo pupunta. Sakay na."

"Saan?"

"Sa farm ng Tiyuhin ko sa Talisay. They've got horses there."


1:25 PM

"On my count, 1, 2, 3"

"Ay!"

"Oh, di ba, I told you, its a piece of cake."

"Aha ha ha! Okay. Ano gagawin ko, baka bigla tong tumakbo."

"Hindi yan. So, how does it feel?"

"Ha ha ha! Ang saya, para akong naka-motor, kaso ang taas. Masakit ata to pag nahulog ako."

"Ha ha! Hawakan mo lang maigi yung tali. Just relax your body, sit straight up, heels down. Wag kang kakabahan kasi kakabahan din yung kabayo.

"Ganon? Alam nya na kinakabahan ako?"

"Ha ha ha! Wait, wait, sayang di ko dala yung DSLR ko, teka."

"Hala, saan kayo pupunta Sir?"

"I'll just take a picture."

"Teka, teka, teka! Wag nyo ko iwan dito, baka bigla tong tumakbo. Hala, hala, hala, gumagalaw siya."

"Hindi yan, wag ka lang malikot, para di mag-panic yung kabayo. Sit still. Okay, 1, 2, oh smile naman d'yan, he he! 1, 2, 3."

"Ha ha ha! Hala, gumagalaw siya. Ano na gagawin ko Sir? Paano bumaba?"

"What? Kasasakay mo lang eh. Come on, we'll walk."

"Paano. Hilain ko ba tong tali? Sisigaw ako ng 'yah'? Ah, ano, 'tsik tsik tsik'."

"Ha ha ha! Hindi ganon. You squeeze your legs."

"Ipitin?"

"Yup."

"Paanong ipitin?"

"I-sueeze mong ganyan. Pag ayaw pa ring gumalaw, saka mo hilain yung tali. But not too hard. Yan."

"Aaaay! Naglalakad na siya! Ha ha ha!! Hala! Sir, dito ka lang. Hala! Sssiiirrr!!!"

"Ha ha ha! Nandito lang ako sa gilid, sasabayan kita."

"Aray, ang sakit sa pundilyo, aw!"

"Pundilyo?"

"Crotch. Ha ha ha!"

"Ah, ok, yun pala ang Tagalog nun. Sabayan mo yung beat ng horse para di masyadong masakit. 1, 2, 1, 2, 1, 2, 1, 2, yan, ganyan."

"Ok, ang galeng! Ha ha ha! Akalain mo nakasakay na ko ng kabayo! Ha ha ha! Paano lumiko?"

"Use your legs."

"Paano? Di ba hihilain ko lang yung tali?"

"Pwede, but it's not good practice, wala ka sa kalesa. Kung kakaliwa ka, i-steer mo using your right leg."

"Ha? Paano?"

"I-move mo yung leg pa-ganito. Idikit mo sa katawan nung horse, tapos lagyan mo ng konting pressure."

"Ikakabig ko, ganito?"

"Yah, that's the word, ikabig, sorry."

"Ay ang galing, lumiko siya. Paano kung kabila? Aaaahhh ha ha ha! Ang galing."

"Now try it using both yung reins, or yung tali, and your leg."

"Ha ha ha! Ang saya naman nito. Paano naman pag gusto kong bilisan?"

"No you don't want to."

"Po?"

"Mahihirapan ka, di mo pa kaya. Practice ka lang muna ng lakad. Sanayin mo muna yung katawan mo. Tsaka dapat kilala ka na nung kabayo and comfortable na kayo sa isa't-isa. It'll take weeks. Unless you're a daredevil."

"May ganun? Para rin pala tong tao."

"Oo naman. And her name is Sonia by the way."

"Sonia? Aba sosyal ang pangalan!"

"Ha ha ha! Kapangalan siya nung first wife nung Uncle ko."

"Asawa ipinangalan sa kabayo? Bitter? Ha ha ha!"

"Ha ha ha! You're so funny you know that? I don't know the whole story. But ever since, bihira na lang magpunta Tiyuhin ko dito. He's based on the US now. Mga workers na lang yung nandito, tsaka yung caretaker nung bahay, yung kausap ko kanina."

"Ahh..ang yaman n'yo pala talaga Sir."

"Hindi ah. Hindi naman to sa 'min. Yung Uncle ko ang mayaman."

"Madalas kayo dito?"

"Yah. With... with Lalaine."

"Ah..."

"..."

"..."

"..."

"Nami-miss n'yo siya Sir, ano?"

"I don't know."

"Dapat pala hindi na lang tayo nagpunta dito, mukhang madami kayong ala-ala dito."

"No, its ok. Memories are good, it reminds me that what happened between us was real."

"Kung sabagay. Hindi mo naman siya kailangang kalimutan. Kailangan lang mapatawad mo siya, at mapatawad mo yung sarili mo."

"I'm not angry with myself."

"Pero bakit pinaparusahan mo yung sarili mo? Tulad nung Monday, naglasing ka. Yan tuloy, na-suspend ka."

"..."

"Siguro tinatanong mo sa sarili mo, anong kasalanan mo, saan ka nagkulang, saan ka nagkamali."

"You know, you're right. I keep tracing back, thinking back, when was the first sign, what happened or... Dati I kept telling myself na, hindi to totoo, or it's just a sick joke or something."

"Sir, alam nyo yung DABDA?"

"Yeah; denial, anger, bargaining..."

"Depression, acceptance. Sa tingin n'yo, saang stage na kayo? Hanggang ngayon ba dine-deny nyo pa rin sa sarili n'yo? Galit pa rin ba kayo?"

"No. I'm done with bargaining too. I mean, there was a time that I would do anything just to have her back. I even sued her, kasi naisip ko na matatakot siya, makikiusap na wag ko na siyang idemanda, on condition na babalik siya sa 'kin. I've done with that. I don't care anymore. I just want to move on."

"Depression?"

"The whole suplado thing, if you remember, you once told me na ang suplado ko. I mean, for a month, I don't eat, I can't sleep, I refuse to go to work. Sir Robert was telling me to try counselling, but I didn't. I just want to be depressed."

"Eh di good. Nasa acceptance ka na."

"You can't really put people's feelings on stages, right?"

"Oo nga naman, iba-iba naman ang tao, pero, ginawa lang naman nila yung stages na yun para makatulong eh."

"..."

"Ang gawin mo ngayon Sir, is tumingin sa paligid mo. Ang daming nagmamahal sa 'yo sa ofis. Hinahanap ka nila nung wala ka alam mo ba yun? Sabi ni Sir Robert, hindi ka naman daw niya sinuspend dahil galit s'ya sa 'yo. Gusto lang daw niyang tulungan ka na maka-move on. Kita mo? Walang dahilan para malungkot ka."

"Talaga? Thank you. You always know how to cheer me up."

"Ha ha ha! Wala yun, pinapangiti n'yo rin naman ako lagi sa ofis eh."

"With my corny jokes. Ha ha ha! Way to go cowgirl!"

"Hi ho Silver, away! Ha ha ha!"



May 14, 2011
9:24 AM

"Bespren."

"Uhm. Ano?"

"Bangon na."

"Ayoko pa, ang sakit ng katawan ko, ang sakit puson ko."

"Hala! Shit! Ano yang nasa kama mo?"

"Ha?"